Cathy Garcia-Molina on issues surrounding John Lloyd Cruz: "I'm sure may dahilan kung bakit nagkaganun."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Director Cathy Garcia-Molina on John Lloyd Cruz: "He might be an actor, he might be sikat, but he's human. Parang hindi niya karapatan, 'no, pero parte ng buhay niya ang pagdaanan ang mga ito. Matututo rin siya. Just like all of us."


Hindi raw ikinagulat ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang mga nangyayari ngayon sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Nitong mga nakaraang buwan ay madalas maging laman ng balita si John Lloyd dahil sa social media posts niya at sa ugnayan nila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Noong Biyernes, October 6, inanunsiyo ng ABS-CBN na magpapahinga muna sa showbiz ang kontrobersiyal na aktor.

Malapit si Direk Cathy, 45, kay John Lloyd, 34, dahil lagpas sampung pelikula na ang pinagsamahan nila sa loob ng mahigit isang dekada.

Kabilang dito ang mga sumusunod: Close To You (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), Miss You Like Crazy (2010), My Amnesia Girl (2010), UnOfficially Yours (2012), It Takes A Man and A Woman (2013), A Second Chance (2015), at Just The 3 of Us (2016).

Kaya naman hindi maiwasang matanong ang box-office director kung ano ang masasabi niya sa mga balitang lumalabas ngayon tungkol sa Kapamilya actor.

Pahayag ng mahusay na direktor, “Well, everybody goes through something.

“Kumbaga, if it's this path for him to learn, hayaan mo siya, malaking tao na siya.”

Dagdag pa ni Direk Cathy, “Ako, it's not for me to judge. He's a friend. He's a good friend.

“I'm sure may dahilan kung bakit nagkaganun.

“I'm sure he has the intelligence also para ayusin at bumangon.

“At the end of the day, for me, John Lloyd is a good man.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Direk Cathy sa presscon ng pinakabago niyang pelikula para sa Star Cinema, ang Seven Sundays.

Ginanap ito sa 9510 Restaurant, sa ABS-CBN compound, nitong Linggo, October 8.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz skips red carpet at Star Magic Ball 2017
John Lloyd Cruz skips red carpet at Star Magic Ball 2017
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna delete their cozy IG photos
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna delete their cozy IG photos
John Lloyd IG posts draw extreme reactions from netizens
John Lloyd IG posts draw extreme reactions from netizens

NORMAL GUY. Sa palagay ni Direk Cathy, dapat maintindihan ng mga tao na sa kabila ng pagiging isang sikat na artista ni John Lloyd, isa pa rin itong normal na tao.

“Hmmm... paano ba? Kasi ako, well, normal na tao si Lloydie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He might be an actor, he might be sikat, but he's human.

“Parang hindi niya karapatan, 'no, pero parte ng buhay niya ang pagdaanan ang mga ito. 

“Matututo rin siya. Just like all of us.

“Ako, nadapa, bumangon.”

Sa palagay ba niya ay nagsasawa na si John Lloyd sa stardom?

Tugon ni Direk Cathy, “I don't know. Only John Lloyd can answer that.

“And for me, he still has my respect and my love and my friendship.

“Kung kailangan niya… For as long as hindi siya tumatawag, ibig sabihin, kaya niya.

"So, let him."

Huling beses daw niyang nakausap si John Lloyd bago maglabasan ang mga kontrobersiya tungkol sa aktor.

“Tapos, hindi na siya… ganun yun, e, hindi nagpaparamdam kapag may problema.

“Mas nagpaparamdam pa siya kapag masaya siya.”

Sinubukan ba niya itong tawagan para magkausap sila?

“I just text him,” sagot ng direktor.

Hindi ito nag-reply?

“Hindi, hindi ganun yun, e.”

Ang huling proyektong pinagsamahan nina Direk Cathy at John Lloyd ay ang pelikulang Just The 3 of Us noong 2016.

Ang huling pelikula namang ginawa ni John Lloyd ay ang Finally Found Someone, na hindi ganun kalakas sa box-office kumpara sa mga nauna nilang pelikula ni Sarah Geronimo.

Agad na kinontra ni Direk Cathy ang espekulasyong may kinalaman dito ang anumang nangyayari ngayon sa aktor.

“No, not at all.

“Si Lloydie, never kinunsider ang mga ganyan-ganyan kapag may kinalaman sa pagkatao niya.

“It must be a little more than that. Not even family.

“Ano 'yan, may kinalaman sa emosyon.”

Sa palagay ba ni Direk Cathy ay in love na si John Lloyd kay Ellen?

“Siguro! Hindi ko alam!” natatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN