Sharon Cuneta reminisces about past romance with Robin Padilla

IMAGE Intrigue Magazine via Sharon Cuneta's Facebook / Allan Sancon

Sharon Cuneta on past relationship with Robin Padilla: "We had so much fun and we fell in love. I would have married him, but I found out someone's pregnant, so I had to leave. I didn't do anything pa, e. It lasted two months. And it gave me beautiful memories and we're very good friends."


Buong-pagmamalaking binalikan ni Sharon Cuneta, 51, ang makulay na relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Robin Padilla, 47.

Sa kanyang sunud-sunod na Facebook at Twitter posts kagabi, October 8, nagpasintabi ang Megastar na katuwaan lang ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan nila ng action star.

Si Sharon ay 21 taon nang kasal sa mister niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan, habang si Robin ay masaya na sa piling ng misis niyang si Mariel Rodriguez. 

Pahayag ng Megastar, “With all due respect to our respective spouses...

“May movie kaming bago, and someone sent me this recently.

“Thought I'd share it, especially so those who were too young to know us, can know part of our history somehow.”

WHIRLWIND ROMANCE. Noong 1991, sina Sharon at Robin ay nagkatambal sa pelikulang Maging Sino Ka Man.

Iprinodyus ito ng Viva Films at idinirek ng yumaong aktor at direktor na si Eddie Rodriguez.

Dito umusbong ang kanilang pag-iibigan sa likod ng kamera.  


Base sa mga lumang artikulo ng INTRIGUE Magazine, na ibinahagi ng Megastar, isa sa mga kinakiligang kabanata ng kanilang relasyon ay ang hayagang pagdeklara ni Robin kung gaano niya kamahal ang aktres noon.

Sabi rito: “A short write-up by movie writer Mario V. Dumaual recounts how the waiters of La Scala restaurant in Makati were all buzzing about how Robin Padilla declared to his date, much to the shock and amusement of the upscale restaurant crowd, ‘I love you, Sharon!’”


Sa cover ng magazine ay mayroon ding quote mula sa ex-boyfriend ni Sharon na si Richard Gomez: “Yung hindi ko naibigay na kaligayahan ni SHARON, sana maibigay ni ROBIN.”

Ibinahagi pa ni Sharon ang ilang screencaps ng Star Studio Magazine July 2010, kung saan sinabi ni Robin na ang “pinakamasakit” na pinalagay niyang tattoo ay iyong nasa kanyang dibdib na may nakaukit na: “Sharon, I will die for you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa action star, “in love na in love” siya sa Megastar nang ipa-tattoo niya ang pangalan nito.

Dagdag ni Robin, “Nung panahon na 'yon, wow idol mo kasama mo sa trabaho. Sinamba ko siya nun."


SHARON ALMOST "MARRIED" ROBIN. Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2016, inihayag ni Sharon na muntik na niyang pakasalan si Robin noong magkasintahan sila.

Sinabi ito ng Megastar bago niya kantahin ang “Maging Sino Ka Man,” theme song ng pelikula nila ni Robin, nang mag-concert ang Megastar sa Solaire Resort and Casino.

Pagbabalik-tanaw ni Sharon, “We had so much fun, and we fell in love.

“I would have married him, but I found out someone's pregnant, so I had to leave.

“I didn't do anything pa, e. It lasted two months.

“And it gave me beautiful memories and we're very good friends.

“[That experience] gave me this beautiful song from Rey Valera."

Walang binanggit na pangalan si Sharon kung sino ang babaeng nabuntis ni Robin noon.

Ngunit taong 1991 nang mabuntis ang ex-wife ni Robin na si Liezl Sicangco.

Ipinanganak ni Liezel ang panganay nilang anak na si Queenie Padilla noong July 17, 1992. 


Stories We Are Tracking

Solenn Heussaff returns to <em>Survivor Philippines</em>
Solenn Heussaff returns to Survivor Philippines


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN