Enrique Gil regrets not showing how proud he is of his late father

IMAGE Mark Atienza

Enrique Gil remembers his late father: "Yun ang gusto kong maramdaman ng mga anak ko pag nagkapamilya ako. Yung maging proud ako sa lahat ng ginagawa sa akin ng daddy ko."


Tuluy-tuloy pa rin si Enrique Gil sa pag-alala sa masasayang nakaraan nila ng yumaong ama.

Namatay ang ama niyang si Enrique Gil Sr. dahil sa sakit na cancer noong 2008.

Sixteen years old pa lamang noon ang Kapamilya matinee idol, na ngayon ay 25 years old na.

Isa sa hindi makakalimutan ni Enrique ay ang paghatid-sundo sa kanya ng ama sa eskuwelahan, bagay na ikinailang daw niya noong mga panahong yun.

Sa batang isip daw niya, kalalaki niyang tao ay inihahatid pa siya ng kanyang daddy.

Dapat daw ay naging proud siya dahil ipinaparamdam lang ng daddy niya ang malaking pagmamahal nito sa kanya, at naroon ito para protektahan siya sa lahat ng oras.

Saka lang daw niya ito na-realize nang pumanaw na ang ama.

Sabi pa ni Enrique, “Yun ang gusto kong maramdaman ng mga anak ko pag nagkapamilya ako.

"Yung maging proud ako sa lahat ng ginagawa sa akin ng daddy ko.

“Ihatid man ako sa school, kahit binata na ako, or ipakita sa maraming tao yung affection, proud ako.”

Naglahad ng kanyang saloobin si Enrique sa presscon ng pelikulang Seven Sundays, na ginanap sa 9501 Resto, sa ABS-CBN compound, noong Linggo, October 8.

Kasama niya sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.  

BURSTING OUT. Ibinahagi ni Enrique na nag-break down siya sa isang eksena sa pelikula, kung saan may cancer ang ama niya, na ginagampanan rito ni Ronaldo.

Noon lang daw siya umiyak nang husto, na hindi niya nagawa noong namatay ang sariling ama hanggang sa nailibing ito.

“Weird” nga raw ang naging pakiramdam ni Enrique dahil nangyari iyon matapos ang ilang taon at sa eksena pa niya sa pelikula.

Sabi nga, nasa hull ang pagsisisi, at aminado rito ang Kapamilya star.

”Of course, may regrets, may regrets konti…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You learn, yun ang process ng buhay, you learn, the older you get the more you learn.

“Ganun talaga. Lahat naman tayo dumaan doon, e, nahihiya ka, hindi ka masyadong naglalambing sa harap ng friends mo.

“Yun ang mali, e, innate sa atin... that’s when puberty comes in, innate sa akin na gusto kong mag-isa. 

“Normal sa atin yun… we all go to through that process. 

“Pero I know now I should have handled it differently. 

“At least, I know now na lahat ng mga anak ko, puwede ko silang turuan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN