Ai-Ai delas Alas on what she wants for a wedding gift: "Pera!"

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas says she has not yet given out wedding invitations, contrary to what others assume.


Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ai-Ai delas Alas nang tanungin kung anong materyal na bagay ang gusto niyang matanggap sa nalalapit na kasal nila ni Gerald Sibayan.

“Pera!” diretsong sagot niya.

“Hindi nga... huwag na tayong magplastikan, ano?

“Siyempre gusto ko, pera, kasi magsisimula kami ni Gerald, e! Di ba?

“May prenup kami, yung mga ari-arian ko, ari-arian ko lang.

"Kung ano yung meron siya, kanya lang din yun.

“From scratch.”

Hindi rin daw tatanggihan ni Ai-Ai kung sakaling magpadala ng regalo sa kanya si Kris Aquino.

“Siyempre, grasya yun, ‘no!

“Huwag tayong tumatanggi sa grasya, masama.”

Pero hindi ba talaga imbitado si Kris sa kasal niya?

“Hayaan mo na!” natawang sagot ni Ai-Ai.

Bukod sa materyal na bagay, ano pa ang nais niyang matanggap?

"Anak!" mabilis na sagot ni Ai-Ai.

"Gusto ko yung anak ko healthy, tapos lalaki siya na bibong bata.”

Boy or girl?

“Anything, basta normal siya, normal na mataba na cute!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa taping ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife, nitong Lunes, October 9.

May pamagat na "Tanging Nanay: The Emily Baclao Story," ipalalabas ito sa Sabado, October 14.

BEING MRS. SIBAYAN. Kapag Mrs. Sibayan na ba siya ay may mga pagbabawal na si Gerald sa kanya?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi naman. Ganun pa rin.

“Alam mo naman si Gerald, cool guy yun. Cool husband yun.

"Kasi yung age, balewala sa kanya yun, walang pakialam, millennial yun, e."

Si Ai-Ai ay 52 years old, habang si Gerald naman ay 23.

Ano sa tingin niya ang magiging pinakamalaking pagbabago pagkatapos ng kasal nila?

“Siyempre, unang-una ang priority. 

“Priority ko yung husband ko, yung magiging anak namin.

“And then, family ko and career.”

Uunahin daw nila ni Gerald ang pagkakaroon ng anak.

“Priority talaga yun kasi umaandar ang panahon, alam mo na, hashtag LamMoNa!” sabay tawa ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumonsulta naman daw siya sa doktor tungkol sa kanyang muling pagbubuntis.

“Okay naman, okay naman,” aniya.

WEDDING INVITATION. Ikakasal sina Ai-Ai at Gerald sa December 12.

Pero paglilinaw ng Kapuso Comedy Queen, hindi pa sila nagsimulang mamigay ng wedding invitation.

May lumabas kasing balita na pinadalhan na raw niya ng imbitasyon ang mga malalapit sa kanya, tulad ni Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Ai-Ai, “Wala pa, hindi yun invitation, lalagyan yun ng damit nila.

“Yung mga tela nila, iyon ang lalagyan.

“Hindi pa gawa ang invitation, ginagawa pa lang.

“Ano yun, parang yung mga damit nila, inilagay sa isang box, tapos may ribbon.

“Maganda talaga yung presentation.

“Kaya, di ba, sabi niya [Sharon], happy siya, ngayon lang siya nakatanggap ng isa sa pinakamagandang ano."

Diin niya, “Wala pang invitation.

“Baka naman magtampo yung iba!”

THE WEDDING GOWN. Tapos na ba ang gown na idinisenyo ni Frederick Peralta?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi ko alam kay Frederick.

“Hindi ko rin naman isusukat! 

“Dun ko na isusuot sa wedding day.

“Kung may diperensiya man, e, gawan na lang ng paraan.”

Naniniwala si Ai-Ai sa pamahiin na masamang isukat ang wedding gown bago ang kasal.

Ang wedding gown ni Ai-Ai ay regalo ng kaibigan niyang si Marian Rivera.

Alam ba niya kung magkano ang halaga nito?

“Oo, pero huwag na, confidential,” tugon niya.

Habang nalalapit ang kasal nila ni Gerald, ano ang mas nararamdaman niya—excitement o nerbiyos?

Tugon ni Ai-Ai, “Excitement… tsaka nerbiyos din!

“Sabay, sabay siya.

“Kinakabahan din ako kasi first time ko rin naman sa church.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN