Kaye Abad enjoys married life in Cebu but misses doing teleseryes

IMAGE Courtesy of Aprica

Kaye Abad really misses acting: "Ngayon, kapag nanonood ako ng TV... Hindi na nga ako nanonood ng teleserye kasi nami-miss ko."


Tila nakapag-adjust na nang husto si Kaye Abad sa pananatili nila ng kanyang asawang si Paul Jake Castillo sa Cebu.

“Dito na. Ito na yun,” sagot ni Kaye nang tanungin kung saan niya gustong manganak.

Biro pa ng 35-year-old Kapamilya actress, “Sabi ko nga kay Tita Cory, ilagay na lang ako sa ABS-CBN Cebu. Dito na lang, gagawa na lang ako ng cooking show.”

Ang "Tita Cory" na tinutukoy ni Kaye ay ang chief operating officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

Hindi naman daw naging mahirap ang pag-a-adjust ni Kaye sa Cebu.

Sabi niya, “Kasi, iba na rin naman ngayon, may Facetime na.

“So, kapag nami-miss ko ang family ko, Facetime lang.

“Lately naman, ever since we got married, parang once a month, umuuwi ako.

“Okay na rin kaysa sa abroad. Okay naman, may friends ako rito.”

Pagkatapos ay tumingin si Kaye kay Paul Jake saka nagbirong, “Yun lang, ang friends ko rito, friends niya.

“So, kung mambabae siya, hindi nila sasabihin sa akin, wala akong kakampi, di ba? Hawak niya lahat.”

Noong Linggo, October 8, ay isang gender-reveal party ang inihanda ng Aprica para sa six-month pregnant actress.

Ginanap ito sa Grillers Steak House sa Cebu City, kung saan dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters na galing sa Manila.

Dito ay ipinaalam nina Kaye at Paul Jake na lalaki ang magiging unang anak nila.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

MISSING SHOWBIZ. Sa Cebu na nanirahan sina Kaye at Paul Jake mula nang ikasal sila noong December 2016.

Dahil dito, hindi na rin nakagawa ng TV projects ang Kapamilya actress.

Aminado si Kaye na nami-miss niya ang umarte sa teleserye.

Sa katunayan, gusto niyang bumalik sa pagiging artista, pero hindi raw muna ngayon.

Saad ng magandang aktres, “Kinain ko nga ang sinabi ko before, e.

“Naalala ko, kapag ini-interview ako, naalala ko sinabi ko na kapag ikinasal ako, titigil ako sa pag-aartista, kasi gusto ko focused na ako sa family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, kapag nanonood ako ng TV... Hindi na nga ako nanonood ng teleserye kasi nami-miss ko.

"So, sabi ko, siguro guesting-guesting."

Kung sakali raw, hindi na magiging katulad ng dati ang pagiging abala niya sa trabaho bilang artista.

Sabi ni Kaye, “Basta priority pa rin ang family.

“Ayaw ko rin kasi ma-experience ko yung na-experience ng co-stars ko before.

"Yung may sakit ang anak, tapos iba yung magdadala sa doktor, hindi mabantayan kasi hindi makaalis sa taping.

"Magpapaalam kasi graduation ng anak, tapos after graduation, babalik sa set.

“Sabi ko, ayaw ko ng ganun.”

Agad naman siyang biniro ng 32-year-old husband niya, “Ikaw, magtrabaho ka. Tapos ako, kasama ko si baby boy.”

Napangiti naman si Kaye at sinabing, “Yun ang sinasabi niya, 'Gusto mo mag-acting agad?'

“Sabi niya, 'Balik ka.'

"Sabi ko, 'Paano yung baby? 'Sasama ko sa Manila?'

"Sabi niya, 'Hindi, iiwan mo dito.'"

Excited na raw ang mag-asawa sa pagsilang ng kanilang magiging anak.

Sabi ni Kaye, “I guess, parang sa kasal, yung sinasabi nila na kahit hindi ka mag-prepare for the future, darating 'yan na kakayanin ninyo na mabuhay.

“I guess, ganun din sa baby, except na emotionally prepared talaga kami maging parents already.

“Kung paano kami magiging responsible sa baby, kung papaano aalagaan, I guess, kung hindi man kami marunong, matututunan din 'yan.”

Huling napanood si Kaye sa teleseryeng Two Wives noong 2015.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN