Sharon Cuneta on Robin Padilla: "I love him and he loves me, pero wala na po kaming malisya."

IMAGE Mark Atienza / Facebook

Sharon Cuneta appeals to netizens not to put malice on her posts about Robin Padilla. "I am very happy for Robin and Mariel and their new family. I know how much Robin loves her and he knows how precious my family is to me, too," says the Megastar.


Nakiusap si Sharon Cuneta sa netizens na itigil ang pagbibigay ng malisya sa kanyang Facebook posts tungkol sa nakaraan nila ng ex-boyfriend na si Robin Padilla.

Nag-post ng bagong mensahe ang 51-year-old actress-singer kasunod ng “mean comments” ng ilang netizens.

Nag-react ang mga netizens sa sunud-sunod na posts ni Sharon noong Linggo, October 8, ng mga lumang larawan at artikulo tungkol sa kanila ng 47-year-old action star.

Mensahe ni Sharon sa kanyang bagong Facebook post ngayong Martes, October 10, "Huwag sana masamain at bigyan ng malisya ng ibang tao ang pag-post ko ng photos at mga kuwento namin ni Robin.

“He happens to be the closest to me among my exes, and truth be told, it took a long time - many years - for us to reach this stage dahil sa hindi masasayang parte ng history namin, kaya mahalaga sa akin ang maalagaan ang friendship namin na ito." 

Pagkatapos nito, idinetalye ni Sharon kung bakit si Robin ang itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan sa lahat ng lalaking naugnay sa kanya.

Lahad niya, “Si Robin ang laging dumadamay sa akin at nasusumbungan ko.

"Siya ang nakakagulat na handang sumuporta sa mga trabaho ko.

"When my Mommy died, siya lang ang nagpunta sa wake ng dalawang beses at nag-attend ng mass among all my exes.”

Ibinunyag din si Sharon na sa loob ng limang taon mula nang magkahiwalay sila, ilang beses siyang sinubukang suyuin ni Robin.

“Sa 26 years naming magkakilala ni Robin, sa unang 5 years noon ay ilang beses niya ako sinubukan balikan pero di ko po talaga kinaya kahit gusto ko.

"Kaya kung gusto ko siya as a lover or husband at di ako takot, sana noon pa!"

HAPPY FOR ROBIN. Diin pa ni Sharon, masaya siya para kay Robin, na ngayon ay masaya na sa piling ng bago niyang pamilya.

Napangasawa ni Robin si Mariel Rodriguez noong 2010 at mayroon silang isang anak na babae. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Megastar, “I am very happy for Robin and Mariel and their new family.

"I know how much Robin loves her and he knows how precious my family is to me, too.

“Please, ang tanda na namin! Hahaha!"

Si Sharon naman ay 21 taon nang kasal kay Senator Kiko Pangilinan at mayroon silang tatlong anak.

Sa kabila ng mga negatibong komento, hindi raw titigil si Sharon sa pagpu-post ng mga larawan at kuwento tungkol sa kanila ni Robin.

Paliwanag niya, "I have been and will continue to post photos and maybe more kuwentos about us so that this new generation will know that during our time, para siguro kaming sina Kathniel o Lizquen o Jadine ngayon.”

Nakatakdang magsama muli sa isang pelikula sina Sharon at Robin na ipoporodyus ng  Star Cinema.

Ayon kay Sharon, ang comeback film nila ay para sa mga masugid nilang tagasubaybay.

Dagdag niya, “I love him and he loves me, pero wala na po kaming ‘M’ (malisya! Hahaha!) sa isa't-isa. We just want to make you happy and enjoy working together again.

“So I hope that those people that leave mean messages here and in my other social media accounts now will understand why I am posting about me and Robin. May MOVIE po kaming bago after so many years!”

Sina Robin at Sharon ay nagtambal sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man (1991), Di Na Natuto (1993), at Pagdating ng Panahon (2001).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN