Gary Estrada happy for cousin Jinggoy Estrada's release

IMAGE Rommel Gonzales

Gary Estrada on Philippine politics: "Nakakalungkot yung pulitika natin dito sa bansa natin na ganun na katrapo. Umaabot na tayo sa ganun, na dahil lang sa ikaw ay kalaban sa pulitika, ikaw ay tatanggalin sa posisyon. O ikaw ay nangarap ng mas mataas na posisyon, ikaw ay gigibain!"


Masaya ang aktor na si Gary Estrada sa pansamantalang paglaya ng kanyang pinsan na si dating Senador Jinggoy Estrada.

“I’m very happy! Siyempre isa ako sa mga masasayang tao nang mabalitaan ko yun.

"Actually, prior to that, I’ve been asking him na, kung kailan ba talaga,” sabi ni Gary, na nagsilbing Quezon 2nd District board member o bokal mula 2010 hanggang 2016.

Patuloy ng 46-year-old actor, “Kasi yung kaso niya, until now, ay wala pa kasing isinasampa ang ating Ombudsman na kaso, e.” 

Ngunit taliwas sa pagkakaalam ni Gary, pormal na nagsampa ang Ombudsman ng kasong plunder sa Sandiganbayan laban kay Jinggoy at mga kapwa senador na sina Bong Revilla Jr. at Juan Ponce Enrile noong 2014.

Ito ay kaugnay ng pagkakadawit nila sa P10-billion pork barrel scam noong 2013.

Mahigit tatlong taong na-detain si Jinggoy sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Una na siyang naghain ng petition for bail noong January 2016, ngunit ibinasura ito ng 5th division ng Sandiganbayan.

Ngunit sa desisyon nito noong September 2017, pinayagan ng Sandiganbayan ang dating mambabatas na magpiyansa ng P1.33 million.

Sinabi sa resolusyon na walang matibay na ebidensiya na si Jinggoy ang “main plunderer” ng pork barrel scam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary kahapon, October 9, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City.

Dito ginanap ang taping nila para sa "Tanging Nanay: The Emily Baclao Story" ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman.

Ipapalabas ang episode na ito sa darating na Sabado, October 14.

Gaganap si Gary bilang Al, ang asawang nanggugulpi kay Emily, na gagampanan ni Ai-Ai delas Alas.

SUPPORTING JINGGOY. Ibinahagi ni Gary na naging mahirap para sa kanila ang pagkakakulong ni Jinggoy, 54.

Pahayag niya, “Nakakulong siya sa piitan for almost three years, and that’s very sad not only for him, his family, for the entire Ejercito clan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam nating pulitika yung naging sanhi ng kanyang pagkakulong.

“Nakakalungkot nga dahil, until now, si Senator Bong is still there.

"Hopefully, may precedent na naman, so hopefully yung kaso niya will move na.

“Kumbaga, kahit temporary bail katulad ng ginawa nila kay Senator Jinggoy.”

Nananatili sa PNP Custodial Center ang 51-anyos na si Bong Revilla Jr.

Nauna nang pinayagan ng Sandiganbayan ang 93-year-old at dating Senador Juan Ponce Enrile na makalaya dahil sa “humanitarian reasons” noon pang 2015.

Ayon kay Gary, nagkita na sila ni Jinggoy mula nang makalabas ito.

“Yes, of course! Of course, hindi ko puwedeng palampasin yun. 

"The day after kasi nung day na lumaya siya, may trabaho ako.

"So, I made it a point na kahit saang lupalop ang pinsan ko, sinundan ko talaga siya just to see him.

“Because I’m very much affected yung nakulong siya.

"This is the second time na it happened to him, it felt sad.

"The first time, walang kakasu-kaso.

"Pangalawa, hanggang ngayon, wala pa rin naisampa."

Una nang humarap sa kasong plunder si Jinggoy bilang co-accused ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, na napatalsik sa puwesto noong 2001.

Nahatulang not guilty si Jinggoy sa kasong ito.


Stories We Are Tracking

Jinggoy thankful for release after three-year detention
Jinggoy thankful for release after three-year detention
Bong on Jinggoy's release from detention:
Bong on Jinggoy's release from detention: "Bittersweet."
Bong Revilla gets surprise visit from Jinggoy Estrada
Bong Revilla gets surprise visit from Jinggoy Estrada

POLITICALLY-MOTIVATED. Si Gary ay anak ng yumaong aktor na si George Estregan, na nakababatang kapatid ng ama ni Jinggoy na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Naniniwala si Gary na ang mga kaso laban sa kanyang angkan ay dulot ng sigalot sa pulitika.

Saad niya, “It’s very sad. Nakakalungkot yung pulitika natin dito sa bansa natin na ganun na katrapo.

"Umaabot na tayo sa ganun, na dahil lang sa ikaw ay kalaban sa pulitika, ikaw ay tatanggalin sa posisyon.

"O ikaw ay nangarap ng mas mataas na posisyon, ikaw ay gigibain!

“Hindi lang gigibain, kumbaga sisirain ang pagkatao mo.

"And luckily, sa family namin, ilang ulit na itong ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una, ang aking tiyuhin, si Tito Joseph.

"At tao na rin mismo ang nagsasabi, e, na... alam mo yun? He is vindicated, he is vindicated.

“The family has been vindicated a lot of times.”

Noong October 2007, isang buwan matapos mahatulang guilty sa kasong plunder, si Erap ay nakatanggap ng executive clemency o pardon mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay pagkatapos ng halos pitong taong detention at house arrest.

Samantala, ang kapatid naman sa ama ni Gary na si former Laguna Governor ER Ejercito ay natanggal sa puwesto dahil sa kasong overspending sa ginanap na 2013 elections.

Nangyari ito noong ang nakaupo pang pangulo ay si Noynoy Aquino.

Kaya’t nang makapanayam ng PEP.ph si ER nitong Setyembre ay nagbitiw siya ng banta laban sa dating Pangulo.

“Babarilin ko sa ulo,” sabi ng 54-year-old actor-politician nang tanungin kung ano ang gagawin niya pag nagkita sila ni Noynoy.


Stories We Are Tracking

ER Ejercito threatens to shoot PNoy if they see each other
ER Ejercito threatens to shoot PNoy if they see each other
ER Ejercito accuses PNoy of masterminding Oplan: Asiong
ER Ejercito accuses PNoy of masterminding Oplan: Asiong
ER Ejercito: Ipakulong na si Noynoy Aquino!
ER Ejercito: Ipakulong na si Noynoy Aquino!
<p>ER Ejercito slams PNoy administration</p>

ER Ejercito slams PNoy administration


Hiningi namin ang reaksiyon ni Gary ukol dito.

Tugon niya, “You know what, I really don’t know, but I heard about that already.

"Kung ako ang tatanungin mo kasi, siyempre unang-una, hindi ko kasi alam yung ano, e.

"Pero I know my brother so much, siguro dala lang ng emosyon."

Nagalit si ER dahil pinag-iinitan umano ni Noynoy ang mga Estrada.

Sang-ayon naman dito si Gary.

Aniya, “Oo! Kasi nakakalungkot yun, e.

"For the first time in the history of Philippine politics, siya lang yung nakasuhan ng ganun.

"At the same time, within a span of months, e, nabigyan ng finality.”

Inapila ng kampo ni ER ang desisyon ng Comelec hanggang sa Supreme Court ngunit hindi siya pinalad na manalo. Siya ay natanggal sa puwesto noong 2014.

Patuloy ni Gary: “To be honest with you, ewan ko ba kung bakit nila ginawa iyon.

"Siguro talagang sobrang galit, finast track ang lahat, ang kanyang kaso. Sobrang galit ng nakaraang administrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I don’t see a reason why you should remove him, e.

"Kung ang pag-uusapan natin ay gastos-gastos, baka mas malaki pa ang nagastos nung mga ilang pulitiko. Halos lahat naman siguro ng pulitiko.

"Kasi, to be honest with you, ang ating batas tungkol diyan sa gastusan sa pulitika, sa campaign, e medyo masyadong maliit, nung panahon pa siguro ni Mahoma.

“Yung tatlong piso sa isang tao, e, eksakto na, ngayon hindi na ganun ang presyo.

"Kumbaga, outdated na, that was twenty years ago before this election."

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9615, ang mga kandidato ay maaari lamang gumastos ng P3 kada botante na nakarehistro sa lugar kung saan sila tumatakbo.

Bilang dating bokal, alam din ni Gary ang kalakaran sa pangangampanya. Kaya nakikisimpatiya siya kay ER.

“Of course! Sa dulu’t dulo, kami ang magkakasama.

"I do believe in my brother, I do believe in sincerity, I do believe in his integrity.

“At the same time, yung kanyang mga nagawa sa Laguna, he is part of my inspiration to go to public service, so naniniwala ako na napakagaling niya.

“Ang kanyang pagkatao ay hindi naman matatawaran, personally and professionally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN