Vice Ganda on alleged feud with Coco Martin: "All is well...for me."

IMAGE Noel Orsal

"All is well? Yes, for me, ha? I cannot speak for anyone else, pero kung ako ang tatanungin ninyo, I'm okay with him," asserts Vice Ganda when asked if he has issues with Coco Martin.


May tampuhan ba sa pagitan ng Kapamilya stars at malapit na magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin?

Ayon sa mga lumabas na ulat, ang pinag-ugatan umano ng samaan ng loob ng dalawa ay ang pagkakaroon nila ng magkalabang entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Si Vice, 41, ang isa sa mga bida ng The Revengers, kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Si Coco, 35, ang bida at direktor ng remake ng FPJ classic movie na Ang Panday.

Noong 2016 lang ay nagkasama sina Vice at Coco sa blockbuster movie na The Super Parental Guardians.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice sa pictorial ng The Revengers. sa Studio 4 ng ABS-CBN, kahapon, October 9, tinanong namin siya tungkol sa napabalitang alitan nila ni Coco.

Sagot ng comedian-TV host, “All is well? Yes, for me, ha.

“I cannot speak for anyone else, pero kung ako ang tatanungin ninyo, I’m okay with him,” tugon ni Vice.

Dagdag niya, “In-expect ko naman na ‘yan. Lahat naman pag ganyan, di ba? Lagi naman. 

“Ang mga tao kasi, laging hahanap ng isang negatibong bagay sa lahat ng mga pangyayari.

“It’s very sad na mas interesado ang mga tao pag hindi maganda yung issue.

"Pero pag maganda yung issue, they won’t talk about it."

SAME GOALS, DIFFERENT WAYS. Nakapag-usap o nagkita ba sila ni Coco nitong mga nakalipas na araw?

Tugon ni Vice, “For now, hindi, kasi hindi naman kami ganun ka-constant.

"Kasi malala ang trabaho ni Coco, malala din ang trabaho ko, pareho kami.

“Kung may free time siya, for sure mas gusto na niyang kausapin ang nanay niya saka lola niya.

“Ako din, pag may free time ako, nanay ko na lang din muna ang tatawagan ko kaysa sa ibang tao."

Ngunit nilinaw ni Vice na pareho lang naman sila ng layunin ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya, kasi pareho lang naman kami ng intentions ni Coco.

"Gusto lang namin to be of service to our audience.

“May sarili siyang ways, may sarili din akong ways.

“Since Pasko ito, pareho lang namin gustong pasayahin yung audience namin.”

LIKING DANIEL AND PIA. Samantala, excited na raw si Vice para sa The Revengers.

“Siyempre, excited, kasi gusto ko ang mga kasama ko ngayon.

“First time ko silang makakasama, sila Daniel saka si Pia.

“Excited, kasi si Direk Joyce uli ang kasama ko na direktor.

“First time, kasi maraming bago, first time ko na superhero. 

“Naka-superhero na costume ako, so super happy.” 

Ayon kay Vice, matagal na nilang iniisip ng namayapang direktor na si Wenn Deramas—ang direktor na nagpatanyag kay Vice at nagbigay sa kanya ng blockbuster movies—na gumawa ng superhero movie.

Lahad niya, “Yes, even before, even after the success of Praybeyt Benjamin, Direk Wenn and I have already thought of this, of doing this, a superhero movie, kaya lang di natuloy.

“Dati, mayroon na rin kaming superhero na inaayos, nagpagawa na ng costume, may istorya na, tapos di natuloy.

"Ngayon, natuloy na.

“Wala man si Direk Wenn, hindi man siya ang gumawa, pero this is a realization of one of his dreams, kaya masaya ako na gagawin ito.”

Biglaang pumanaw si Direk Wenn noong February 29, 2016.

BOX-OFFICE EXPECTATIONS. Blockbuster ang mga nakaraang pelikula ni Vice na kasali sa MMFF. May pressure ba sa kanya ang magiging resulta ng The Revengers?

Tugon niya, “I don’t really consider it as a pressure.

“Kinu-consider ko siya na something to look forward to, ipinagdarasal ko, kini-claim ko."

“Lagi ko ngang sinasabi kay Direk Joyce, ‘Oy, pang-one billion ito, ha.’

Umalma nga raw si Direk Joyce, sabi ni Vice. “Siya yung nagsasabi, ‘Ano ba, nape-pressure ako sa mga ganyan.’

Ngunit arya pa rin ang komedyante, “Sabi ko, ‘Ano ba, Direk, claim lang nang claim, mabait naman ang Diyos.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibinibigay din naman Niya lahat ng hinihiling mo.

“For as long as na maganda ang material natin, makukuha natin ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN