Franco Laurel admits he and wife Ayen did not expect another baby

IMAGE Franco Laurel Instagram

"Super excited 'cause a baby is always a blessing. Napakasaya namin na magkakaroon uli kami ng isa pang baby at babae," says Franco Laurel about wife Ayen Munji-Laurel's pregnancy.


Marami ang nanghinayang sa pagkawala ng karakter ni Ayen Munji-Laurel, bilang Victoria Quintana-dela Vega, sa daytime drama series ng ABS-CBN na Ikaw lang Ang Iibigin.

Ang pagbubuntis ng aktres sa ikatlong anak nila ni Franco Laurel ang rason kung bakit pinatay ang karakter niya sa teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

May dalawa pang anak ang aktres mula sa una niyang pagpapakasal, ngunit sila na ni Franco ang nagpalaki sa mga ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Franco sa 70th birthday celebration ng ama nitong si Francis Laurel, isang businessman, na ginanap sa Solaire Ballroom ng Solaire Resort and Casino, sa Parañaque City, noong October 4.

Kinumusta namin sa kanya ang kalagayan ng asawa at ang pagkawala nito sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ayon sa 44-year-old singer-theater actor, “Okay naman. Manganganak na si Ayen next month.

“Yes, bigla siyang nawala, kasi nung nagsimula siyang mag-taping last year, wala naman...

“Actually, nagulat nga rin kami nung nabuntis siya, kasi akala rin namin yung huling baby namin, yun ang huli.

“Nung nalaman nga namin last April na buntis, that was also the time na ie-aring na yung Ikaw Lang Ang Iibigin.

"So, sinabi namin sa ABS, sa Dreamscape, na buntis siya… na ano ang mangyayari.

"Na-incoporate naman yung pag-alis sa kanya. Kailangan siyang patayin dun sa teleserye.

“Ang ganda din naman yung pagpapaalam niya.” 

Ang Dreamscape ay isang television production unit ng ABS-CBN na nagprodyus ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

FIRST TRIMESTER. Kuwento pa ni Franco, mahirap ang first trimester na pinagdaanan ng 45-year-old na asawa.

“Yung first trimester kasi, sa lahat naman ng anak namin, yung first trimester ang maselan.

“Yun ang medyo nahirapan siya.

“Nung taping ng Ikaw Lang Ang Iibigin, nung nagte-taping sila, ang laki ng ipinayat niya.”

Pero excited na raw sila sa pagdating ng kanilang "baby girl."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super excited ‘cause a baby is always a blessing.

“Napakasaya namin na magkakaroon uli kami ng isa pang baby at babae.

“Her name is Lucia, Lucia means light.” 

CAREER TALK. Masayang-masaya si Franco sa magandang itinatakbo ng career ng asawa.

Wika nito, “I’m very happy for her, very proud.

“Super proud ako kay Ayen, kasi since nang lumipat siya sa ABS at naging successful ang Born For You, tapos pinagkatiwalaan siya ng panibagong teleserye, Ikaw Lang Ang Iibigin, natutuwa ako for her.

“Nagbu-bloom ang career niya.

“Sinabi sa kanya na pagkapanganak niya, may kasunod siyang gagawin.

“Pahinga lang ng kaunti kasi kailangang alagaan ang baby namin.”

Sa kabilang banda, matagal-tagal na rin nang huling mapanood si Franco.

May plano ba siyang balikan ang showbiz career niya matapos ang tatlong taon ng pagsusulat?

Tugon niya, “Babalik ako ng showbiz.

“Actually, nagpahinga ako ng tatlong taon, naging editor ako ng isang lifestyle magazine.

“Then, I was a contributing editor sa Metro Society, I was a lifestyle editor in Lifestyle Asia.

"Nag-try lang ako sa publishing, pero artist talaga, tinatawag talaga ako ng sining.”

Pahayag pa ng aktor, “Na-miss ko nang sobra.

“We’re preparing for something special next year.”

Bukas ba siyang makatrabaho si Ayen sa isang proyekto?

“Why not?” tugon ni Franco.

“Pero ang hirap yata, kailangan naming magbalanse.

“Sino mag-aalaga sa mga bata?

“Pero alam mo, napakabait naman ng ABS at ng Dreamscape dahil naiintindihan naman nila ang sitwasyon.

“Yung cut-off, ginawa nilang 12 [midnight], so naawa naman sila sa amin."

Ibinalita rin sa amin ni Franco na isang concert ang inihinahanda ng Laurel clan sa darating na November 15 sa Solaire.

“First time magko-concert ang lahat ng performers sa pamilya in one show.

“Never pang nangyari ‘yan sa buong buhay namin at mangyayari ‘yan finally sa Solaire sa November 15,” ani Franco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN