Judy Ann Santos, Angelica Panganiban bump into Hollywood actor Steven Seagal; make like fans

IMAGE Instagram photo of Joross Gamboa

Judy Ann Santos's caption on a group photo with American actor Steven Seagal: "Akalain mo nga naman.... parang joke yung asa isang restaurant kami ni Steven Seagal!" Also in this photo are (L-R) Chavit Singson, Angelica Panganiban, Joross Gamboa, and director Jun Lana.


Nagmistulang fans ang mga aktres na sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban nang magpa-picture sila sa Hollywood actor na si Steven Segal.

Base sa Instagram post ni Angelica, nagkataon na ang 65-year-old American actor at ang grupo nila ay nasa parehong restaurant sa Bonifacio Global City Taguig.

Sabi ng 30-year-old actress sa caption: “Nakita namin si Steven Seagal, habang may bonding/workshop kami eh... d ko alam bakit ako tuwang tuwa”

Para namang hindi makapaniwala si Judy Ann na na-meet niya sa personal ang action star.

Sabi ng 39-year-old actress-TV host: “Akalain mo nga naman.... parang joke yung asa isang restaurant kami ni Steven Seagal! Ang talas ng mata nitong joross e! buti na lang!”

Si Joross Gamboa ang tinutukoy ni Juday.

Ipinost din ni Joross Gamboa ang parehong group photo nila kasama si Steven Seagal.

Hello Sir Steven Seagal... i like your smile @officialjuday and @iamangelicap ????

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@jorossandkatz) on

Nasa bansa ngayon ang Under Siege actor para suportahan ang Miss Earth 2017 beauty pageant.

Naanyayahan siyang maging isa sa mga judges sa gaganaping coronation night sa Mall of Asia Arena sa November 4.

Nandito rin siya para maghanap ng mga lugar na posibleng pagganapan ng susunod niyang pelikula.

Huling bumisita si Steven sa Pilipinas noong March 2016 para sa isang “business trip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN