Xander Ford airs side on incidents of "attitude problem"

IMAGE Screen grab from Rated K

Xander Ford, formerly known as Marlou Arizala, about bashing he is getting: "Nasasaktan, pero ganun naman talaga. Mayroong magagalit sa iyo, pero mayroon din namang magtatanggol sa akin. Pag nag-give up ako, hindi ko mararating ang mga pangarap ko."

 


Isa-isang sinagot ni Xander Ford—dating Marlou Arizala—ang mga nagsilabasang isyu tungkol sa kanya kasabay ng pagpaparetoke niya ng mukha.

Ang mga isyung ito ay may kinalaman umano sa di magandang pag-uugali ng social media sensation.

Una ay ang ibinahaging kuwento ng talent manager/radio host na si Ogie Diaz tungkol sa isang babaeng singer na nasaksihan umano ang pagsigaw ni Xander sa isang guard ng ABS-CBN nang di siya papasukin nito agad.

Sabi raw ng babaeng singer kay Ogie: "Nakasabay ko 'yan nung isang araw sa lobby ng ABS-CBN. Lumapit siya sa guwardya, sabi niya, 'Guard, guard! Papasukin mo 'ko. Ako si Xander Ford!'"

Paglilinaw ni Xander tungkol dito, “Ay, hindi, kasi nung pumasok ako sa clinic... kasi medyo galing din kami sa taping nun.

“Oo, nasabi ko sa guard yung name ko, kasi parang di niya ako kilala.

"Sabi niya, ‘Sino po sila?’ Sabi ko, ‘Xander Ford po.’

“Malaki lang talaga ang boses ko. Ganito talaga ako...

"Nung pangit pa ako, di pa ako retokado, ganito na ako magsalita.

“Parang medyo mayabang, pero ganito lang ako. Pero di ako ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Xander sa studio ng ASAP noong Linggo, October 8.

DOLCE AMORE. Pangalawang isyu ay ang tungkol sa pagkakatanggal ng dating Marlou sa 2016 primetime series ng ABS-CBN na Dolce Amore, kung saan bida sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon sa komedyanteng si Jeffrey Tam, isa sa supporting cast, kaya raw inalis si Marlou sa teleserye ay dahil sa "attitude problem" nito.

Ito naman ang pahayag ni Xander: “Kaya ako natanggal sa Dolce Amore, hindi kasi ako nagpunta nun, mayroon akong sakit.

"Hindi ko ipinaalam sa staff ng ABS-CBN or ng Dolce Amore.

“Kasi nagkaroon ako ng tigdas nun. Alangan namang mag-taping ako na may tigdas? Kaya hindi na ako nakapagpaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala rin akong parents nun, ako lang saka tita ko. Hindi ako nakapagpaalam.

“Nasabi ko na lang nung nakabalik na ako na, yun nga, nagkasakit ako."

Sabi pa niya, “Nawalan din ako ng phone nun.”

GANDANG GABI VICE. Pangatlo, nagbanta raw si Xander na hindi niya sisiputin ang taping ng Gandang Gabi Vice, late-night talk show ni Vice Ganda, kung hindi papapasukin ng ABS-CBN guard ang mga kasama niyang kaibigan.

Pagtatanggol ni Xander sa sarili, “Mayroon kasi akong nakausap na researcher ng GGV, ang sabi nila, magte-taping ako sa kanila.

“Nag-request ako na baka puwedeng kasama ang mga kaibigan ko, grupo kong Teen Trends.

“Pumayag sila, oo daw, ita-try daw nila.

"Kinaumagahan, bago mag-taping, ang sabi sa akin, ‘Sige, get ready with your group,’ kaya nag-practice kami ng madaling-araw.

“Wala pa akong tulog nun, nag-taping ako ng tatlong beses, pang-apat na yung sa kanila. Pagod na pagod na ako.

"Pero kahit pagod na pagod ako, kinakaya ko para makatulong ako sa magulang ko.

"Maipakita ang best ko, makabalik sa pangarap kong ito."


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is
Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is "mayabang"
Xander Ford denies attitude problem
Xander Ford denies attitude problem
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Xander Ford apologizes to Ogie Diaz
Xander Ford apologizes to Ogie Diaz

DARK KNEES PHOTO. EDITED? Samantala, kumalat naman sa internet ang larawan ni Xander, kung saan kita ang maitim niyang tuhod.

Sa litrato ay kapansin-pansing malayo ang kulay ng kanyang tuhod sa kulay ng iba pang bahagi ng kanyang katawan, partikular na ang kanyang mukha.

Ayon naman kay Xander, edited ang larawan para lumabas na sobrang itim talaga ng kanyang tuhod kahit naman hindi.

“Maitim siya pero hindi naman ganun kaitim. Parang brown lang, na-filtered lang kasi.

"Halata naman kasi sobrang itim niya, yung contrast. Pero di siya ganun kaitim."

OGIE DIAZ. Nilinaw rin ni Xander na hindi siya galit o wala siyang tampo kay Ogie Diaz, na naglabas ng mga kuwento tungkol sa sinasabing pag-uugali niya sa pamamagitan ng Facebook.

Diin niya, “Ay, wala akong tampo kay Tito Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kaya nasabi ni Tito Ogie yun, as an artist, kailangang maging humble naman talaga sa mga tao.

“Kasi sila ang nagpapasikat sa iyo, yung mga tao sa paligid mo.

"Hindi ako galit kay Tito Ogie. Pero yung akin lang, sana tinanong muna nila ako kung totoo ba."

HIS LIFE NOW. Ayon kay Xander, paborito siyang pag-initan ngayon ng ilang netizens dahil nagte-trending siya.

“Alam ko nagte-trending ako ngayon, marami ang taong galit sa akin, kasi nauunahan ko sila.

“Nag-worldwide trend ako, tapos sila, hindi nila narating yun.

"Parang siyempre, yung iba, mayroong insecurity.

"Pero ako, sabi ko sa kanila, kaya ko ito ginawa, pinaghirapan ko ito para marating ko itong pangarap ko."

Masaya naman daw si Xander sa magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon.

Pero, aniya, nandoon pa rin ang sakit na dala ng panghuhusga sa kanya ng marami.

“Masakit, kasi hinuhusgahan nila ako dahil sa narinig lang nila at mga tsismis ng ibang tao.

“Dapat hindi nila ako hinuhusgahan.

"Dapat alamin nila muna kung ano yung totoong nararamdaman ko, kung paano ako makisama sa tao."

Patuloy ng social media celebrity, “Nasasaktan, pero ganun naman talaga.

"Mayroong magagalit sa iyo, pero mayroon din namang magtatanggol sa akin.

“Pag nag-give up ako, hindi ko mararating ang mga pangarap ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN