Janine Gutierrez clarifies Bali trip with Rayver Cruz

IMAGE Melo Balingit

Is Janine Gutierrez being coy about her relationship with Rayver Cruz? He's the only guy seen with her these days, but she swears to God nothing serious is between them. "Nanliligaw ba siya? Tanungin niyo na lang siya," she answers.

 


Usap-usapan ang naging bakasyon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa Bali, Indonesia, noong nakaraang buwan.

Ayon sa mga komento ng netizens, wala pang confirmation na sila na, pero magkasama na raw nagbabakasyon ang dalawa sa ibang bansa.

Paglilinaw ni Janine, 28, na ang talagang kasama niya sa Bali ay mga barkada niya.

Sumunod lamang daw sa kanila si Rayver, 28.
 
Lahad ng Kapuso actress, “Sumunod lang po siya, kasi galing po ako ng [Star Magic] Ball.

“Yung buong trip ko po ay five days, pero naging four days kasi nag-Ball ako.
 
“Pero masaya, ang saya, mahilig talaga ako sa beach.

“Tapos, first time naming mag-out of the country na magkakasama, which is matagal na naming pangarap.
 
“Sobrang happy na, finally, natuloy.”

dibs ??????

A post shared by JANINE ???? (@janinegutierrez) on


 Masaya rin ba siyang sumunod sa kanila si Rayver?
 
“Masaya rin, masaya rin po!” natatawang sagot ni Janine.
 
“Magkasundo rin naman po sila ng friends ko kaya nag-enjoy naman kaming lahat.”

Happy birthday nini????????

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa press conference na inihanda ng LVD Management & Consultancy Services para sa kanya, sa Blue Rocket Cafe, Scout Reyes, Quezon City, noong October 9.
 
WHAT'S THE REAL SCORE? Marami ang nag-iisip na may relasyon na sila, lalo pa't si Janine ang date ni Rayver sa nakaraang Star Magic Ball, ang taunang event ng Kapamilya stars.

#StarMagicBall2017

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on


Pero itinanggi ito ng Kapuso actress.

Aniya, “Hindi po. Hindi nga talaga, swear to God, hindi po ako nagsisinungaling.”
 
Nanliligaw pa lang sa kanya si Rayver?
 
“Close po kami, kapag may chance po na libre, minsan lumalabas po kami,” tugon ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
 
Paano nanliligaw si Rayver?
 
“Nanliligaw ba siya? Tanungin niyo na lang siya!” natawang sabi nito.
 
Ang huling naging boyfriend ni Janine ay ang dating ka-love team niyang si Elmo Magalona.
 
Hindi pa rin ba siya handang pumasok muli sa isang relasyon?
 
Tugon ng dalaga, “Hindi ko pa po iniisip yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa hindi ready, pero siguro priority ko lang po talaga is trabaho. 

“And I’m sure, si Rayver din... tanungin natin siya, ayoko talagang sumagot!” natawang sabi niya.
 
Exclusively dating ba sila?
 
“Wala naman po,” sambit ni Janine.
 
Nagugustuhan naman daw ni Janine ang mga nakikita niyang ugali at katangian ni Rayver.
 
Saad niya, “Magkasundo naman po talaga kami, and yung family rin, sobrang bait. 

“And yung family rin niya, close din kina Lolo, e.
 
“Sila Tito Pip, alam kong magkakabarkada rin po sila.”

Lolo ni Janine si Christopher de Leon sa mother side at si Eddie Gutierrez sa father side.

Ang "Pip" na tinutukoy ni Janine ay ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III, na tiyuhin ni Rayver.

STAR MAGIC BALL. Masaya naman daw ang naging karanasan ni Janine sa Star Magic Ball, bilang mula siya sa GMA-7.

Kuwento ni Janine, “It was fun, siyempre masayang magbihis, mag-attend ng event. 

"And mababait pong lahat ang kaibigan ni Rayver.

"Si Enchong [Dee] kilala ko na from before. Nakasama ko siya sa movie.

"Pero yung iba, talagang super-bait. 

“Nandoon din si BJ Pascual, e, friends kami, so parang may friends din ako dun. 

“Nakita ko sina Megan Young.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN