Is Janine Gutierrez poised to become a Kapamilya after leaving GMA Artist Center?

IMAGE Melo Balingit

Janine Guterrez is now under the care of talent manager Leo Dominguez. There are rumors she may leave GMA-7 to move to rival network ABS-CBN. Her new manager denies this, saying they are in talks with the Kapuso network for Janine's new contract.


Kumalas na si Janine Gutierrez sa GMA Artist Center (GMAAC), ang talent arm ng GMA Network, pagkatapos mag-expire ang kontrata niya rito noong nakaraang Setyembre.

Katuwang ng GMAAC na nagma-manage sa career ng 28-year-old actress ang kanyang ina na si Lotlot de Leon.

Ngunit nagdesisyon si Janine na pagpahingahin na rin ang kanyang 46-anyos na ina bilang manager niya.
 
Paliwanag ng aktres, “Kasi si Mama, busy rin po talaga… ayoko rin po kasi talaga na nahihirapan si Mama.

“Napupuyat din siya sa shooting, sa taping. Hindi nawawalan ng show si Mama, e.

"And it would be better kung makakakuha kami ng manager na makakatutok din po sa career ko."

Ngayon ay nasa pangangalaga na ni Leo Dominguez, ng LVD Management & Consultancy Services, ang Kapuso actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa press conference na inihanda ng LVD para sa kanya, sa Blue Rocket Cafe, Scout Reyes, Quezon City, noong October 9.

NEW NETWORK? Kasabay ng pag-alis niya sa GMA Artist Center ay ang usap-usapang baka lumipat na rin ng network si Janine.

Lalo pa't napapabalitang may relasyon na raw ang aktres sa Kapamilya actor-dancer na si Rayver Cruz, 28.

Si Janine ang ka-date ni Rayver sa Star Magic Ball, ang taunang event ng Kapamilya stars, noong September 30.

Pero ayon kay Janine, “Wala po. Siyempre, hindi po tayo nagdedesisyon tungkol sa career based on mga ganyang bagay.
 
“Siyempre, kung career, ako lang talaga, si Mama, si Tito Leo, ganun po.”

Pero totoo bang may planong ililipat siya sa ABS-CBN?

Hindi ito direktang sinagot ni Janine.

Komento niya, “Ako po kasi, very grateful talaga ako sa GMA sa pag-alaga nila sa akin for the past how many years.

“So, masuwerte rin po talaga ako sa lahat ng projects ko.”

Pero ang bagong manager ni Janine ang nagtuldok sa isyu ng lipatan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Leo na under negotiation na ang panibagong kontrata ng aktres sa GMA-7.

Ang huling teleserye ni Janine ay ang afternoon drama series na Legally Blind.

NEW MANAGER. Ayon kay Janine, naging maayos ang pag-alis at paglipat niya ng talent management.

“Maayos po ang usapan nila, very thankful din po ako na tinanggap ako ni Tito Leo.

“Alam ko naman po na hindi rin basta-basta ang mga alaga niya.
 
“Alam ko rin na very, very busy rin siya dahil very busy rin ang mga alaga niya. 

"Sobrang thankful ako na hindi siya nag-hesitate."

Kabilang sa mga artistang hinahawakan ni Leo ay sina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Rodjun Cruz, at Solenn Heussaff.
 
Pinag-usapan daw nila nang maigi ng kanyang ina kung sino ang puwede nilang lapitan para maging manager ni Janine.
 
“Napagdiskusyunan din po talaga namin.
 
“Siyempre, gusto rin po namin yung talagang makakasundo ni Mama at matututukan ako. 

“Ako, I’ve always been familiar with Tito Leo, kasi idol ko ang mga alaga niya.
 
“Idol ko si Lovi!” kinikilig pang sabi ni Janine.
 
Nagkausap na sila ni Lovi?
 
“Grineet niya ako na 'welcome to the family,' and she’s always been very nice. 

“Mabait naman talaga si Lovi, and yun, excited ako, excited akong talaga.”

Magkasama sa Kapuso network sina Janine at Lovi.

ACTING AWARD. Samantala, masaya si Janine dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo siya ng acting award.

Ito ay bilang Best Supporting Actress, para sa indie movie na Dagsin, sa Urduja Heritage Film Festival Awards sa Pangasinan.
 
Aniya, “Super thankful ako rito kasi first time kong magkaroon ng acting award.”

Ikinasisiya rin daw niyang umiikot ang pelikula nila sa film festivals abroad.
 
Ayon kay Janine, “Nanalo siya sa Madrid, and then, recently, sa San Francisco yata.

“E, dati, ang pangarap ko lang talaga, makapag-join sa Cinemalaya, and ito ngang movie yun, yung Dagsin.
 
“So, sobrang bonus talaga na makatanggap pa ng award para rito, and sana makagawa pa ng ibang movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN