Aiko Melendez forgives director who butchered her scenes in advocacy film

IMAGE Noel Orsal

Is Aiko Melendez willing to work again with the director who butchered her scenes? She replied: "I don't know. If may project na dumating, who knows, di ba?"


Napatawad na raw ni Aiko Melendez ang direktor niya sa pelikulang New Generation Heroes na si Anthony Hernandez, pati na ang produksiyon ng movie.

Nagkaroon ng isyu nang maglabas si Aiko ng open letter sa kanyang Facebook account matapos ang premiere night ng pelikula.

Dito ay ipinahayag ng 41-year-old actress na hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanyang role, pati na ang exposure niya sa pelikula na pinaikli raw ang ilang mahahalagang eksena niya.

Hindi raw tinupad ng direktor ang napag-usapan at napagkasunduan nila.


Stories We Are Tracking

Aiko cries foul over butchered scenes in latest movie
Aiko cries foul over butchered scenes in latest movie

Pahayag ni Aiko, “You guys are forgiven. I have a forgiving heart.

“And para makatulong ako, di ba, para sa ibang tao, okay lang yun.

“I just want to move on. Maybe that open letter says it all.”

Hindi na ba sila nakapag-usap ulit?

Tugon niya, “They sent me an apology text but I didn’t reply anymore.

"Because I’m still hurting [that time] and maybe because I wasn’t ready to… I didn’t know what to say.

“Pero ang mundo natin sa showbiz, napakaliit, so who knows naman?”

Ibig sabihin ba nito’y bukas pa rin siyang makatrabaho ulit si Direk Anthony?

“I don’t know. If may project na dumating, who knows, di ba?” sagot ni Aiko.

Ano ang natutunan niya sa pangyayaring ito?

“I guess, next time I do a movie, I really have to sit down in the editing.

“And I really have to trust my director and the producers I’m working with.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Aiko sa premiere ng bago niyang pelikula sa ilalim ng BG Productions International, ang Balatkayo, na ginanap nitong Martes, October 10, sa SM Megamall Cinema 2.

Dumalo rin sa premiere night ang iba pang miyembro ng cast na kinabibilangan nina Polo Ravales, Rico Barrera, Ernie Garcia, at James Robert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat din si Aiko sa suporta ng kanyang co-stars sa ABS-CBN primetime teleseryeng Wildflower na sina Maja Salvador, Joseph Marco, at Vin Abrenica na present din sa event.

SATISFIED WITH HER EXPOSURE IN NEW MOVIE. Masayang-masaya naman si Aiko sa outcome ng role niya sa Balatkayo.

Satisfied daw siya dahil natupad ang pinag-usapan nila ng direktor na si Neal Tan at producer na si Baby Go.

Saad niya, “Yes, look at my smile, it’s up to here. I’m so happy.

“I just love the way Direk Neal Tan directed it.

“Kasi ang scriptwriter namin, si Direk Jason Paul Laxamana, so ang ganda talaga. So, how can it go wrong?

“So, wala akong complain, I’m really happy.

“Binigyan ng importansiya yung role ko talaga.”

Simula pa lang daw ay in-assure na si Aiko ng producer niyang siya talaga ang bida sa pelikula. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN