Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her "bloggerjowa"

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna have yet to confirm the real status of their relationship. But based on their Instagram posts and photos, do they need to?


Nagtungo sa Paris, France, sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa pagpapatuloy ng kanilang bakasyon.

Ito ay batay sa kanilang Instagram posts ngayong Miyerkules, October 11 (Philippine time).

Lumalabas na mula Morocco, kung saan sila nanatili nitong weekend, tumulak ang rumored couple sa tinaguriang City of Lights sa Europe.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco

Nag-post sa Instagram ng kanyang larawan  si Ellen, 29, habang nakasandal sa pader na may signage na Rue Bayard, isang distrito sa Paris.

Mayroon din siyang photos at videos sa IG Story habang nasa loob ng establishment, na tila isang restaurant o kaya ay isang hotel.

Nag-post naman si John Lloyd, 34, ng series of photos na may caption na “first night ng mga buang.”

Ang "buang" ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay sira-ulo o baliw.

first night ng mga buang

A post shared by portal (@ekomsi) on


LOADED COMMENTS. Pero ang mas kapansin-pansin sa social media posts na ito ay ang mga makahulugang komento nina John Lloyd at Ellen, dahilan upang lalong tumibay ang hinala ng mga netizen na higit pa sa magkaibigan ang namamagitan sa dalawa.

Halimbawa, sa ipinost na larawan ni Ellen na kuha ni John Lloyd, tinawag niya ang aktor na “my photographer.”

My photographer ???? @ekomsi

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Sa comments section, tinanong ng isang kaibigan ni Ellen, si @vitoselma, kung photographer lang ba ng sexy star ang aktor.

Sagot ni Ellen:“bloggerjowa”


Samantala, noong nasa Morocco pa sila, nag-post si Ellen ng top view ng mga building.

Nagkomento rito si John Lloyd, at sinabing hindi na niya naisip tumingala dahil, “Sobra nang ganda ang nakikita ko sa baba.” 

Naka-tag dito si Ellen.


Ikinatuwa naman ito ng ilang netizens. Kinikilig at natutuwa raw sila sa tuksuhan ng dalawa.



Sa kabila ng social media posts nilang laging magkasama, hindi pa rin tinutukoy nina John Lloyd at Ellen ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang maglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa "indefinite leave of absence" ng premyadong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad din sa official statement na planong magbakasyon ni John Lloyd sa ibang bansa.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN