Alessandra de Rossi assures fans Alempoy lives on in new projects

IMAGE Noel Orsal

Alessandra de Rossi is excited that projects pairing her with Empoy Marquez are being planned. But she adds, "Hindi rin naman kami... na kapag gumawa ka ng project without him, wala nang kuwenta ang project mo. May fans ba kami na ganun, magagalit? Tanda na namin, ha."


Ayon kay Alessandra de Rossi, hindi pa tapos ang tambalan nila ni Empoy Marquez.

Ito ay kahit si Ivan Padilla na ang kapareka ng aktes sa bago nitong pelikula.

“No, maraming naka-line up for Alempoy,” pagtatama ni Alessandra. Ang Alempoy ay ang pinagkabit na Alessandra at Empoy.
 
“Sobrang daming naka-line-up for us, sobrang excited din akong gawin yun," dagdag ni Alessandra, na tinatawag ding Alex sa showbiz.

“Kaya lang, siyempre, may sarili kaming buhay, at saka, hindi rin naman kami love team.

“Na kapag gumawa ka ng project without him, wala nang kuwenta ang project mo.

“May fans ba kami na ganun, magagalit?
 
“Tanda na namin, ha!” natatawang sabi ng mahusay na aktres nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ito sa presscon ng 12, ang bagong pelikula ni Alessandra na siya rin ang sumulat.

Ginanap ang press con sa Le Reve Pool and Events Place nitong Miyerkules, October 11.

SAME OLD, SAME OLD. Ipinagdiinan din ni Alessandra na walang nabago sa kanya pagkatapos ng tagumpay ng pelikula nila ni Empoy na Kita Kita.

Nasa Kita Kita ang record bilang highest grossing Pinoy indie film of all time.
 
“Sabi ko nga, wala namang nagbago sa akin kung paano ko nakikita ang sarili ko. 

“Ang nagbago yung mga tao sa paligid ko, ‘Naku, Alex dapat ganito, dapat ganyan.’

“Hindi kasi ganun yun, so ‘wag niyong ipasok sana sa utak ko yung ganun.
 
“Unfair kasi talagang mag-compare ng dalawang bagay na kahit anong gawin mo, hindi talaga sila pantay.”
 
Hindi ba nakaragdag sa kumpiyansa niya ang success ng Kita Kita?
 
“Not for me, for them,” saad niya.
 
“Consider niyo ang ibang tao, give them a chance dahil puwede.

“Hindi porke’t sikat, kikita ang pelikula niyo.

“Hindi porke’t hindi sikat, walang manonood. 

"For me, hindi, e. Naniniwala ako sa kuwento, naniniwala ako sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko kailangan ng pangalan o reputasyon ng kahit sino, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN