Andi Eigenmann on quitting showbiz: "hindi naman sa iniiwan ko yung film industry, pero ayaw ko na ng showbiz"

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann: "It's been two years since I was brave enough to go into my manager's office, Viva Artist Agency, and tell them that...I'm not happy anymore... It's the people around, yung mga sawsawera, yun yung mahirap—and that is brought to me by showbiz."

 


Nilinaw ni Andi Eigenmann ang espekulasyong nawala na siya nang tuluyan sa showbiz.

Ang tanging tinalikuran daw ng 27-year-old actress ay ang walang-sawang pang-iintriga sa kanyang personal na buhay.

“In short, hindi naman sa iniiwan ko yung film industry, pero ayaw ko na ng showbiz,” saad ni Andi sa eksklusibong panayam sa kanya ng CNN Philippines online site ngayong araw, Oktubre 11.   

Kaugnay ito ng insidente kung saan nakasagutan ni Andi ang isang netizen na nag-akusang inisnab umano ng Kapamilya actress ang isang fan na nais magpakuha ng litrato kasama nito sa airport.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Oktubre 3, nailathala ang buwelta ni Andi laban sa netizen na nagsabing “snob” at “hindi sikat” ang aktres.

Base sa palitan ng Instagram comments ni Andi at ng netizen, sinabi ng aktres na hindi niya ugaling mambastos ng kapwa, lalo na kung maayos ang pakikipag-usap sa kanya.

Litanya pa ni Andi: "Second, if I wanted the life I had in the past, I wouldn't have left showbiz. So go figure.

“But me wanting to be a full time mom, and to live my life sooo far away from the spotlight (away from the city, even), doesnt also result to your accusations being anywhere true.”


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann quits showbiz because
Andi Eigenmann quits showbiz because "I was not happy"

FEELING MISUNDERSTOOD? Sa pagpapatuloy ng panayam ng CNN Philippines, inamin ni Andi na umabot sa puntong kinausap niya ang kanyang talent management, ang Viva Artists Agency, na hindi na siya masaya sa buhay-artista.

Aniya, “It’s been two years since I was brave enough to go into my manager’s office, Viva Artist Agency, and tell them that, and lumabas talaga sa bibig ko na I’m not happy anymore.

“I felt like I wanted to take a break from it.”

Pakiramdam daw ni Andi ay hindi tanggap sa mundo ng showbiz ang kagustuhan niyang mamuhay nang normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is me. This is who I am—I have curly hair, I have lots of freckles, I popped my pimple, and I have tattoos in my arms.

“But that’s not how you should look like if you want to be a star.

“It’s because I was launched before figuring out who I was as a person. It wasn’t so hard for me to say yes to everything.

“To allow them to dress me up, to be the person that people will idolize. That typical... star," sabay tawa niya, "with big, long hair.”

Si Andi ay anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose at ng yumaong aktor na si Mark Gil, na mula sa showbiz clan na Eigenmann.

RIDICULED FOR BEING A SINGLE MOM. Isa pang hinaing ni Andi ay ang panghuhusga umano ng ibang tao sa kanyang pagiging dalagang-ina.

Himutok niya, “I feel like, first of all, I was 22 years old when I gave birth to my daughter Ellie, but because people couldn’t get in on every detail of that bit of my life, I was in the wrong.

“Because I have a daughter, a party girl, probably a rebel, or whatnot.

“I had a daughter because I was in love and that was the fruit.

“Yeah fine, but I didn’t expect… I faced ridicule because of it.

“Because we live in a patriarchal society where a woman with no man cannot stand by herself.”

June 2011 nang pumutok ang balitang buntis si Andi, ngunit hindi malinaw noon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.

September 4, 2011, pinangalanan ni Andi ang ex-boyfriend niyang si Albie Casiño, na ayaw raw akuin ang responsibilidad bilang ama ng ipinagbubuntis ng dalaga.

Usap-usapan din noon ang pagtanggi ng ina ni Andi, si Jaclyn Jose, sa kagustuhan ng kampo ni Albie na ipa-DNA test muna ang bata bago ito panagutan ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sangkot din sa kontrobersiya si Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Dating matalik na magkaibigan sina Andi at Jake, at naging magkarelasyon bago at matapos mag-break ng aktres at ni Albie.

Noong September 23, 2016—limang taon mula nang maiulat ang tungkol sa pagbubuntis ni Andi—naiulat na si Jake ang biological father ng anak ng aktres.

Base ito sa hindi inaasahang pagsisiwalat ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann, sa panayam ng huli sa podcast show ni Mo Twister na Good Times With Mo.

Nitong taong 2017 ay dumaan sa legal na proseso ang pagkilala ni Jake sa anak nila ni Andi.


Stories We Are Tracking

Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?
Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition

Pinaniniwalaang nalampasan na ni Andi ang kontrobersiyal na yugtong ito ng kanyang buhay, na nasubaybayan hindi lang ng media kundi pati na rin ng publiko.

Sa ngayon, tahimik ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo.

TIRED OF "SHOWBIZ STIGMA." Ngunit ang hindi raw matanggap ni Andi ay ang “showbiz stigma” na nararanasan niya dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya noon.  

Pahayag ni Andi, base pa rin sa panayam ng CNN Philippines, “People blamed me for wrongfully accusing my first boyfriend of being the father when I never went on the news to say that he was.

“I was crying on the news because nobody wanted to be there with me and say that he was the father.

“I was crying on the news because I was physically abused, but nobody made him apologize to me, when everybody makes me apologize to him for losing his career.

“It’s so ironic when these are the same people that say, ‘Hey, you have to be grateful that you have us because if you don’t, you will be nowhere.’

“But how come I’m at fault for taking the career of Albie? Only me?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Andi, hindi niya maatim ang patuloy na panghuhusga at pangungutya sa kanya gayong ang tanging nais lang daw niya ay pagbutihin ang trabaho sa larangan ng pag-arte.

“You know, these people in my past, I don’t hate them. I love them. I’ve forgiven them.

“They were a part of my life for a reason.

“And maybe they’re also [instrumental in] how I’ve become the person who I am today.

“But it’s the people around, yung mga sawsawera, yun yung mahirap—and that is brought to me by showbiz.”

Sa isang bahagi ng panayam, iginiit ng 27-year-old actress: "I’m no star; I’m just a normal human being who wants to fight for what I believe in.”

Si Andi ay huling napanood sa ABS-CBN afternoon series na The Greatest Love, na umere mula September 5, 2016 hanggang April 21, 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN