Winwyn Marquez reveals discrimination as first Pinay candidate in Reina Hispanoamericana

IMAGE Noel Orsal

The beautiful Winwyn Marquez on Reina Hispanoamericana pageant: "It's a big deal in South America. It's like a training ground to those who want to join Miss Universe, Miss World representatives."


Malaking hamon ang kinakaharap ni Winwyn Marquez bilang kauna-unahang kandidata ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana beauty pageant, na gaganapin sa Bolivia sa November 4.

Nakatakdang lumipad si Winwyn patungong Bolivia sa October 19 para simulan ang kanyang partisipasyon sa gaganaping annual beauty pageant.

Ngunit hindi pa man nakakaalis ng bansa, nahaharap na ang actress-beauty queen sa panlalait ng mga kapwa-Pilipinong minamaliit ang sasalihan niyang international beauty pageant.

Ipinagtanggol naman ni Winwyn ang Reina Hispanoamericana beauty pageant.

Pahayag ng 25-year-old actress-beauty queen, “I took time to research and, siyempre, like now, pag ini-interview, ginagamit ko yung opportunity to explain na 27 to 28 years na yung pageant. Sobrang tagal na siya.

“It’s a big deal in South America. It’s like a training ground to those who want to join Miss Universe, Miss World representatives,” pagtukoy niya sa Latina beauties bago sumali sa Miss Universe.

Kilala ang Latina beauties na strong contenders sa Miss Universe pageant.

Patuloy ni Winwyn, “Imagine how tight the competition kung dun talaga kukuha ng representative.

“It’s not a small pageant.

"It’s hard for me also, because it’s a Spanish-speaking pageant."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa contract signing niya, kasama ang iba pang Miss World Philippines 2017 winners, sa Regal Films Entertainment, Inc., nitong Martes, October 10.

DISCRIMINATION. Pero hindi lang daw sa Pilipinas ang diskriminasyon sa pagsali ni Winwyn sa Reina Hispanoamericana.

Maging ang ibang lahi mula sa Latin America ay hindi sang-ayon sa pagsali ng Pilipinas sa naturang pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ng iba sa kanila, hindi kabilang ang Pilipinas sa Latin America kaya hindi dapat mapabilang bilang kandidata.

Ito rin ang kinakaharap ng non-Latin American countries na sasali sa pageant, kagaya ng Australia at Canada.

Narito ang ilang comments sa social media na di sang-ayon sa pagsali ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana pageant:




Paliwanag ni Winwyn, “I understand since we’re really not a Spanish-speaking country.

"But our heritage is really from Spain, our roots."

Diin pa niya, higit sa tatlong siglo sinakop ng Spain ang Pilipinas.

“Our words came from them as well. Our traditions, our faith, galing din dun.

“So, di mo maipagkakaila na ang daming similarities.

"Kasi nga, dahil sa values, traditions na nakuha natin.

“Ang iba lang dun, hindi tayo fluent magsalita."

Dagdag ni Winwyn, “I hope they understand also that the organization invited us and they gave us the opportunity to join, and I don’t think the organization would invite us kung walang connection talaga.

“But I hope they understand.

"But, I respect them kasi, siyempre, Spanish-speaking naman talaga, but they also have to know the history on why we’re joining.”

Ang Reina Hispanoamericana ay isang annual international beauty pageant na sinasalihan ng mga kandidatang may lahing Spanish.

Mula noong 1991 hanggang 2003, limitado lamang sa 10 kandidata mula South America ang kasali rito.

Tinawag itong Reina Sudamericana o South American Queen.

Pagdating ng 2004 at sa mga sumunod na taon, dumagdag nang dumagdag ang bilang ng mga bansang nagpapadala ng kandidata.

Noong 2007, pinalitan ang titulo ng pageant sa Reina Hispanoamericana.


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez defends pageant title from bashers
Winwyn Marquez defends pageant title from bashers
Winwyn Marquez featured in Bolivian newspaper
Winwyn Marquez featured in Bolivian newspaper


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN