Nadine Lustre kin confirms death of star's younger brother; police report says suicide

IMAGE Instagram photo of Nadine Lustre

Nadine Lustre and her family silently grieve over the death of her younger brother, Isaiah. The Kapamilya actress-TV host spread awareness about depression.


Lubos na nagdadalamhati ngayon ang pamilya ni Nadine Lustre dahil sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid.

Ilang araw na ang nakalilipas nang napabalitang namatay ang kapatid ng 23-year-old actress, ngunit walang anumang direktang kumpirmasyon ang nanggaling sa kanilang pamilya.

Nakumpirma lamang ito ngayong Miyerkules, October 11, nang mag-post sa Twitter ang tiyahin ni Nadine na si Nona Clemente.

Si Nona ay first cousin ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre.

Mensahe ni Nona: “Please lift a prayer for my nephew, Isaiah Lustre. Eternal rest grant unto him Oh Lord. And let perpetual light shine upon him. #keepgoing”

Sa kanyang sumunod na tweet, nagpasalamat ang tiyahin ni Nadine sa mga nagpaabot ng pakikisimpatya sa kanilang pamilya.

“Thank you all for the love and prayers. May we respectfully request to allow us to have this one last time with our dear Isaiah privately. #keepgoing ;”

Samantala, sa IG story, nag-post  si Nona ng maiksing video clip kung saan makikitang kumakanta si Gary Valenciano ng “I Will Be Here” sa lamay ng kanyang pamangkin.

Kalakip ng video na ito ang pagpapasalamat niya sa singer.

“Thank you for the words of hope, love and faith @garyvalenciano. Thank you for taking time to be with us together with your family. We love you all.”


REPORT. Bago ang post ng tiyahin ni Nadine, naiulat sa ilang pahayagan ang diumano'y pagpapakamatay ng 16-year-old na kapatid ni Nadine.

Ayon sa ulat ng Journal noong Lunes, Oktubre 9, sinabi ni PO3 Elario Wanawan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit na natagpuang duguan at nakahandusay sa loob ng silid si Isaiah.

Nagtamo raw ng tama ng bala ng baril sa ulo ang binata.

Base sa pahayag ng mga kapatid ni Isaiah, na sina Ezekiel at Naomie, nangyari ang insidente gabi ng Sabado, Oktubre 7.

Kasalukuyan daw silang naglalaro ng games sa i-Pad nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril mula sa silid ni Isaiah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matagpuan daw nilang nakahandusay ang kanilang kapatid, agad silang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Isinugod sa Pacific Global Medical Center ang binata, ngunit hindi na rin ito nakaligtas.

Ayon pa rin sa mga kapatid ni Isaiah, walang anumang mabigat na problemang nababanggit sa kanila ang biktima.

Subalit, nitong mga huling linggo raw, napansin nilang naging malungkutin, bugnutin, ayaw makipag-usap, at laging nagkukulong sa silid ang kanilang kapatid.

Samantala, tumanggi na ang ama ni Isaiah na paimbestigahan ang insidente.

Kumbinsido umano siyang nagpakamatay ang kanyang anak.

KEEP GOING. Sa mga post ni Nona Clemente, kapansin-pansin ang paggamit niya ng “#keepgoing” at semicolon.

Ang hashtag na ito ay naging top trending topic sa Twitter kahapon, October 10.

Ito ay matapos mag-post ni Nadine sa kanyang IG story ng “keep going” at semicolon. 

Ito ay simbolo ng pagsuporta sa mga taong nakararanas ng depression, addiction, self-injury, at tangkang pagpapakamatay.

May post din siya na: “You are stronger than depression.”



Nag-post din ng ganitong simbulo ang boyfriend ni Nadine na si James Reid at malalapit nilang kaibigan.








Ginamit din ng fans ang naturang hashtag upang ipakita ang kanilang pakikiramay kay Nadine at sa kanyang pamilya.

Walang anumang post ang Kapamilya actress na direktang tumutukoy sa pagkamatay ng kapatid.

Maliban noong gabi ng Lunes, October 9, nag-post si Nadine sa kanyang IG story ng bahagi ng lyrics ng kanta ng Coldplay na “Everglow”:

“But the changing of winds, and the way waters flow life as short as the falling of snow and now I'm gonna miss you I know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN