Enrique Gil says he's in for the long haul with Liza Soberano: "Parang mag-asawa na kami"

IMAGE Melo Balingit

Enrique Gil is getting bolder about laying his claim on Liza Soberano. He describes their closeness as akin to being married. Is this his way of fencing her in?


Kagulat-gulat ang kumento ni Enrique Gil na mas malalim pa raw sa pagiging girlfriend-boyfriend ang tinginan nila ni Liza Soberano.

Tinanong namin kasi siya kung kailan niya pwedeng maging official girlfriend si Liza.

At eto ang walang kakurap-kurap niyang sagot, “Two years? Three years?

"It doesn’t matter... Para sa akin, kami na, e, lagyan mo ng label o wala.

"Parang parehas lang 'yan, sa akin ngayon, parang ganon na rin.

"Parang mag-asawa na kami, mag-asawa na yung level.

"Yun yung dating sa akin, ha, ganon yung nakikita ko.

"Wala na sa amin yun, wala na, over na kami doon.

“It’s more of long term na ito, ganon na kami. Iba, iba.”

Kung gayon, hindi na pwedeng ligawan pa ng iba si Liza kahit hindi pa sila talaga officially on? 

Nag-isip muna ang aktor bago iginiit na lampas na sila sa girlfriend-boyfriend level ng relationship.

Pakli ni Enrique, “Tingin mo, pag hindi official… sabi ko parang mag-asawa na.”

Kuwento pa niya, tinanong din daw siya ng kanyang driver kung kailan sila ikinasal ni Liza.

Kasi nga asawa ang pagpapakilala ni Enrique sa kapareha.

Tugon daw niya sa kanyang driver, “‘Hindi, Paps, hindi na kailangan, asawa ko na yan.’”

Ganun din ba ang feeling ni Liza sa samahan nila?

Agad na sumagot si Enrique, “Of course, of course, hindi ko puwedeng sabihin na asawa, ano yun?"

Matalinghaga pa niyang sambit, “Ganun na kami, ligawan [pa] ng iba? Mag-asawa?”

Hindi nilinaw ni Enrique sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ibig pa niyang sabihin sa kanyang pahayag.

Sa tingin ng PEP, gusto lang iparating ng aktor na ang tinginan nila ni Liza sa isa't isa ay kasinglalim na nang sa mag-asawa kaya hindi na ito pwedeng tumanggap pa ng ibang suitors.

LOVE SYMBOLS. Isa pang simbolo na tila tinutukan nga ni Enrique si Liza ay ang matching bracelets nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalat pa rin sa Instagram ang litrato ng matching bracelets nila.

Ini-encircle pa ng marami ang suot nilang bracelets habang magkahawak-kamay ang popular na love team.

Si Enrique nga daw ang nagbigay nito kay Liza, “Yes, ako ang nagbigay sa kanya, symbol-symbol lang.

“Wala pang singsing, bracelets muna.”

Symbol na parang official na sila ni Liza?

Mabilis na tumugon ang aktor, “Para sa akin, that’s the symbol ng pagsasamahan namin.”

Pero kung anuman daw ang nararamdaman ni Enrique kay Liza, isinasang-alan pa rin niya ang pamilya ng kapareha.

Unang-una raw ay ang lolo nito na tumatayong father din ni Liza.

Eighteen years old pa lang si Liza at hiningi raw ng lolo nitong huwag munang magpaligaw hanggang sa edad na 21 o 22.

Lahad nga ni Enrique, “She’s just doing it kasi laging nanonood yung tatay niya sa States, heart condition.

“She’s just doing it as respect… yung respeto, hindi mo matatanggal ‘yan.

“Tatay mo ‘yan, lolo mo yun.”

Na-interview ng PEP si Enrique noong Linggo, October 8, matapos ang presscon ng lalabas niyang movie na Seven Sundays ng Star Cinema.

Bida rin dito sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. 

Ginanap ang press con sa 9501 Resto sa ELJ Building, ABS CBN 2 compound.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN