Ai-Ai delas Alas reveals how fiancé Gerald Sibayan deals with her mood swings

IMAGE Nice Print Photography / Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas on relationship with fiancé Gerald Sibayan: "Alam mo ba, sa pagsasama namin na mga three years and seven months siguro, nag-away kami two or three times pa lang. Hindi kami nag-aaway, e! Wala namang pinag-aawayan."


Inamin na Ai-Ai delas Alas na may epekto rin sa kanilang relasyon ang age gap nila ng fiancé na si Gerald Sibayan. 

Halos 30 taon ang agwat ng kanilang mga edad; si Ai-Ai ay 52 years old at si Gerald naman ay 23.

Nakatakdang ikasal sina Ai-Ai at Gerald sa December 12, 2017.

Ayon sa Comedy Queen at bride-to-be, “Hindi naman mahirap, pero minsan meron akong malalim na emosyon na, kunyari iiyak ako, tapos gusto niya ipaliwanag ko sa kanya yun.

"Sasabihin ko, ‘Hindi mo maiintindihan, hindi mo maiintindihan.’

“Tapos yayakapin na lang niya ako.”

Bakit naman siya umiiyak?

“Kunyari meron kang nararamdaman na… hindi naman lahat ng araw masaya ka, di ba?

"Minsan gusto mong umiyak, minsan pagod ka," paliwanag ni Ai-Ai.

Nilinaw naman ng actress-comedian na hindi si Gerald ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

“Hindi! Hindi dahil sa kanya. Kunyari naiiyak ka, tatanungin niya lang, ‘Bakit?’

"Sasabihin ko, ‘Hindi mo maiintindihan, masyadong malalim!’

"Kasi, ako nga, hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak, e."

Naghinuha naman si Ai-Ai kung bakit may mga pagkakataong nagiging emosyonal siya na tila walang dahilan.

“Kasi minsan, dumadaan sa iyo yun, na, siguro hormones. 

"Hormonal imbalance, minsan naluluha-luha ka."

Tuwing ganito raw ang pakiramdam niya ay hindi na siya kinukulit ni Gerald.

“Alam na niya yun, yayakapin na lang niya ako.”

Swerte mo talaga ang GANDA KO !!! Hahaha @gerald_sibayan

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa taping ng "Ang Nanay sa Kalsada: The Emilyn Baclao Story" episode ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman. 

Ipalalabas ito sa Sabado, October 14.

ON FIGHTS AND JEALOUSY. Ang pinaka nagustuhan daw ni Ai-Ai na ugali ni Gerald ay ang pagiging pasensiyoso nito.

“Hindi mapagpatol! Yung hindi ka niya papatulan.

"Kunyari inaaway mo siya, hindi ka niya papatulan.”

May mga ganun pala siyang drama kay Gerald?

“Oo, siyempre! Topakin ako, 'no!

"Tsaka artist ako e, di ba? Yung pagka-artist ko, minsan lumalabas, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin naman naiintindihan kung bakit ganun."

Buti na lang daw ay hindi siya pinapatulan ni Gerald.

Sabi ni Ai-Ai, “Wa patol! Wa. Okay, fine!

“Alam mo ba, sa pagsasama namin na mga three years and seven months siguro, nag-away kami two or three times pa lang.

“Hindi kami nag-aaway, e! Wala namang pinag-aawayan.

“At hindi kami natutulog na magkaaway. Mga thirty minutes lang, okay na ulit kami.”

Nagkakaselosan din ba sila?

“Oo, ako selosa ako, e,” pag-amin ng Sunday PinaSaya cast member.

Ano ang pinagseselosan niya kay Gerald?

“Kung anu-ano, sinu-sino na walang kuwenta, na malalanding tao!”

Wala pa naman daw nasusugod si Ai-Ai, ngunit may mga nakausap na siyang babaeng tingin niya ay nagpaparamdam kay Gerald.

“‘Ssshhh!' Sinusutsutan ko, ‘Halika nga!’ Ganun.”

Ano ang sinasabi niya sa girl?

“Wala, parang, ‘Bakit nakikipag-usap ka?’ ‘Ay wala po.’ Ganyan-ganyan."

Mayroon din daw siyang nahuling babae na nagtangkang makipag-chat kay Gerald online.

“Dati meron sa internet, parang sabi sa kanya sa Facebook, ‘Hi! Good evening! Puwede bang mag-chat?’ Parang ganun. 

“Sabi ko, ‘Bakit nakikipag-chat ka sa boyfriend ko ng eleven ng gabi? Gabing-gabi na, nakikipag-chat ka pa?’

“Tapos, sabi niya, ‘Ay! Hindi naman po ako interesado diyan sa boyfriend mo!’

"‘Hindi ka pala interesado, e, bakit ka nakikipag-chat?!’ sabi kong ganun.

“Tapos hindi na siya sumagot.”

Samantala, si Ai-Ai naman ay hindi na raw nagkaka-crush sa ibang lalaki.

“Nung dumating si Gerald, wala na.”

Si Gerald naman daw ay merong crush, ngunit foreigner ito.

“International! Yung isa sa Charlie’s Angels.”

Tinukoy ni Ai-Ai si Cameron Diaz, ang 45-year-old actress na gumanap bilang Natalie Cook sa Hollywood film na Charlie's Angels (2000) at sequel nitong Charlie's Angels: Full Throttle (2003).

"Sabi ko, 'Bakit crush mo si Cameron, e, ang pangit-pangit nun? Hindi na lang si ano ang crush mo... maganda pa si JLo [Jennifer Lopez] dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto na nga si JL!,” patuloy ni Ai-Ai, sabay-turo mukha niya.

"'Magka-crush ka pa kay Cameron, bakla ka!’ Ayaw ni Cameron,” paliwanag ni Ai-Ai habang natatawa.

SLIMMER AND YOUNGER LOOK. Hiningan din namin ng komento si Ai Ai sa obserbasyon ng maraming nag-mature ang hitsura ni Gerald at bumata naman si Ai-Ai physically.

Ayon sa komedyana, “Actually, talagang pinlano ko yun, kaya nga nag-organic [diet] ako, e.

“Para pumapantay ang hitsura namin, tsaka yung health-wise, para abutan ko siya.

“Mukhang successful naman ako.”

Kapansin-pansing sumeksi at mas kuminis ang kutis ni Ai-Ai ngayon.

“Namanchi!” patawang tugon ni Ai-Ai, na magdiriwang ng kanyang ika-53 kaarawan sa November 11.

Iwas na raw kasi si Ai-Ai sa pagkain ng karne. 

Hindi na ba niya hinahanap ang karne?

Saad niya, “Hindi, minsan hinahanap ko, pero kumbaga, pag gusto ko talaga na walang-wala akong allergy, hindi ako kakain.

"Pero pag nagtsi-cheat ako, alam ko na na magkakaroon, so dahan-dahan lang.

“Kunyari once a month magtsi-cheat ka. Siyempre minsan, mami-miss mo rin, tao ka lang naman.”

FIRST CHRISTMAS AS MRS. SIBAYAN. Dahil less than two months na lang ay kasal na nila ni Gerald, ito ang maituturing ni Ai-Ai na happiest Christmas at New Year niya.

“Oo! At ito ang first Christmas ko dun sa bahay namin at first Christmas ko na misis ako!” bulalas niya.

Sa Japan muna raw sila magha-honeymoon at isusunod na lamang ang Europe trip nila sa January or February.

Dugtong ni Ai-Ai, “Pero pag may work, hintayin ko munang mag-Holy Week siguro tsaka kami magbabakasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN