Veteran director Emmanuel "Maning" Borlaza dies of heart attack

IMAGE Twitter

Veteran director Emmanuel "Maning" Borlaza dies from heart attack. He was 81. 


Pumanaw na ang batikang direktor na si Emmanuel “Maning” H. Borlaza.

Inatake siya sa puso nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 12. Siya ay 81.

Ayon sa pamangkin niyang si Roy Ramirez, isinugod sa ospital si Direk Maning dakong alas-4 ng madaling-araw matapos atakihin sa puso. Ngunit binawian din ito ng buhay.

Sa loob ng halos na apat na dekadang pagdidirek, mula '60s hanggang '90s, lagpas sa 100 pelikula ang nagawa niya.

Kabilang dito ang Darna movies ni Vilma Santos na Darna and the Giants at Lipad, Darna, Lipad noong 1973. Siya rin ang nagdirek ng Dyesebel (1973) ng Star For All Seasons.

Ilan pa sa mga idinirek niyang pelikula noong '70s ay ang mga sumusunod: Dama de Noche; Mrs. Eva Fonda, 16; Mga Rosas Sa Putikan; Makahiya at Talahib; Kampus; Kadete; at Romansa.

Noong dekada '80s naman ay ilang pelikula ang ginawa ni Direk Maning kung saan si Megastar Sharon Cuneta ang bida.

Kabilang dito ang Dapat Ka Bang Mahalin? (1984), Bukas Luluhod ang mga Tala (1984), at Bituing Walang Ningning (1985).

Ang iba pa niyang di malilimutang mga pelikula ay Yesterday, Today, Tomorrow (1986); Blusang Itim (1986); Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas (1987); Asawa Ko Huwag Mong Agawin (1987); Isusumbong Kita Sa Diyos (1988); Oras-oras, Araw-araw (1989); at Kaputol ng Isang Awit (1991).

Si Direk Maning din ang nagdirek ng pinakahuling Dyesebel movie, na pinagbidahan ni Charlene Gonzalez noong 1996.

Kabilang sa mga huling naidirek niyang pelikula ay ang To Saudi With Love (1997) at Mapagbigay (2000).

Nakapagdirek din si Borlaza na ilang episodes ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya. 

Si Direk Maning ang kasalukuyang vice chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN