Maxine Medina recalls Miss Universe 2016 experience: "Grabe yung bullying na naranasan ko--buong Pilipinas"

IMAGE Instagram

Maxine Medina says that the hurt she experienced from bullying helped her in her acting workshop. 


Sumailalim sa acting workshop si Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina bago sumabak sa shooting ng horror film na Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Ito ang unang full-length movie niya.

Bago ito ay may bit part siya sa Beauty in a Bottle (2014) ng Star Cinema.

Ang award-winning director/actress na si Gina Alajar ang nag-conduct ng acting workshop ni Maxine.

Nakatulong daw sa acting exercises ng beauty queen nang ilabas niya ang saloobin tungkol sa bullying na naranasan niya noon sa Miss Universe beauty pageant.

Na-bully raw siya ng bashers at haters na personal ang mga batikos sa kanya.

Lahad ng 27-year-old beauty queen, “Nag-workshop ako with Miss Gina Alajar.

“Ang comment naman niya sa akin, okey naman daw ako sa drama.

"Pero yung pagagalitin mo ako, hindi ako marunong magalit, e.

“One time, sabi niya sa akin, after ng workshop namin, ‘Sige, isigaw mo 'yan!’

“Oh my God, inilabas niya ang topic—Miss Universe.

“Oh my God, hindi ko talaga kinaya!

“Hindi na ako makahinga.” 

MISS UNIVERSE 2016. Bumalik kay Maxine ang mga naranasan niyang pambu-bully nang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa 66th Miss Universe, na ginanap sa bansa noong January 30, 2017.

Umabot hanggang Top 6 si Maxine ngunit hindi siya nakapasok sa Top 3 pagkatapos ng question-and-answer portion.

Tanong ng host na si Steve Harvey sa kanya: “What is the most significant change you’ve seen in the world in the last 10 years?”

Sagot ng Pinay beauty queen: “In the last 10 years of being here in the world, [the most significant change] is that I saw all the people bringing in one event like this in Miss Universe. And it’s something big to us that we are one. As one nation, we are all together. Thank you! Maraming salamat po!”

Para sa maraming nakapanood ng pageant, pumalpak si Maxine sa kanyang sagot kaya hindi na siya nakapasok sa final round.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na lahad ni Maxine, “Gusto kasi ni Miss Gina, umiyak ako, isigaw ko lahat, magalit ako, magmura ako.

“Yun ang pinakamahirap sa akin.

“Hindi naman ako nagmumura, hindi naman ako nagagalit masyado.

“Yun nga, lumabas."

Hinikayat pa raw siya ng batikang direktor na ilabas ang lahat ng sama ng loob na kanyang naramdaman.

“Nagulat ako, yung mga kasabay ko sa workshop, pagtingin ko, pati yung mga lalaki, umiiyak din.

“Naiyak sila,” sabi pa ni Maxine tungkol sa unforgettable experience niya sa acting workshop.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxine sa shooting ng Spirit of the Glass 2 noong October 10.

Spirit of the glass 2 'The Haunted'

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

MOST PAINFUL. Biktima rin daw ng bullying si Maxine noong high school.

May isang insidente pa nga raw na hinubaran siya ng isang gay high school classmate habang nasa gitna siya ng school lawn.

Subalit ang mga panghahamak sa kanya sa 66th Miss Universe ang itinuturing ni Maxine na pinakamatindi.

Saad ng dalaga, “Pinakamatindi na naranasan ko, yung Miss Universe talaga.

“Grabe yung bullying na naranasan ko—buong Pilipinas.

“Yun ang pinakamabigat sa akin kasi naranasan ko na ‘yan, high school pa ako. Intense talaga."

Dugtong pa ni Maxine,“Grabe talaga yung life ko, kaya parang hindi na bago sa akin ang bullying.”


Stories We Are Tracking

Maxine Medina bows out of Miss U competition after Q&A
Maxine Medina bows out of Miss U competition after Q&A
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?
Maxine Medina not disappointed with Top Six finish
Maxine Medina not disappointed with Top Six finish
France is crowned Miss Universe 2016!
France is crowned Miss Universe 2016!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN