TV5 president Chot Reyes gives update on contracts of Derek Ramsay and Jasmine Curtis-Smith

IMAGE Arniel Serato

Naniniwala ang TV5 management at ang presidente nitong si Chot Reyes na sa sports sila magtatagumpay sa kumpetisyon, hindi sa entertainment na pinangunguhan na ng ABS-CBN at GMA. Ani Chot, "Because my learning is, being the number three network is not profitable. Being the number three network does not make business sense."

 


Ano na ang mangyayari sa TV career nina Derek Ramsay at Jasmine Curtis-Smith?

Ito ay dahil magpo-focus na lamang sa digital, news, at sports ang pangatlong pinakamalaking TV network sa bansa—ang TV5.

Sina Derek at Jasmine na lang ang natitirang contract stars ng dating Kapatid network.

Mga dating contract stars ng TV5—katulad nina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Ogie Alcasid, Ritz Azul, at Vin Abrenica—ay nagsilipatan na sa ibang istasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TV5 President Chot Reyes sa launch ng pagsasanib-puwersa ng TV5 at ESPN Sports, na ginanap sa Snaps Bar sa Sofitel Hotel, ngayong Huwebes, October 12.

Dito ay tinanong namin siya kung ano na ang mangyayari kina Derek at Jasmine.

Pahayag ni Sir Chot, “Unfortunately, we are winding down all their contracts already.

"Si Jasmine, in fact, on TV, she’s no longer with us. She is still with us on digital.

"And, I think, the only remaining real star that we have left is Derek."

Patuloy niya, “And Derek is there because he is reflective of ESPN. He’s also into sports.

"I’m not just sure hanggang kailan pa yung contract niya.

"But we have absolutely no problem, especially with me, we have a very close relationship with Derek.

“So, we continue to have him as a talent.”

Samantala, magpapatuloy pa rin daw si Direk Brillante Mendoza sa pagpu-provide ng content sa istasyon.

Kasalukuyan pa ring mapapanood sa TV5 ang Brillante Mendoza Presents.

Ayon kay Sir Chot, “Brillante Mendoza is very different, in fact we’re going...

"Hindi ko lang ma-announce lang ngayon, pero may ia-announce kaming magandang malaking announcement for Brillante in the future."

SPORTS CONTENT. Ipinaliwanag din ni Chot kung bakit gusto nilang palakasin ang sports content ng TV5.

Pahayag ng 54-year-old network executive, “We wanted to see or find an area or niche where we can compete and we have a chance to be number one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because what we found out over the past six or seven years as TV5, that being the number three network in the Philippines…

"Because, my learning is, being the number three network is not profitable.

“Being the number three network does not make business sense.”

Dagdag nito, “So, like what I said, it’s really going to be a timing issue.

"I think, there’s really an opportunity for us to get there, but the other networks have more than 15 years ahead over us [in entertainment].

"So, we don’t have the time nor the resources to still compete."

Sa ngayon daw, sports ang nakikita ng management na paraan upang kumita ang TV5, na matagal nang napapabalitang nalugi dahil sa hindi matagumpay na entertainment programs nito.

Nagkaroon pa nga ng tie-up sa Viva Entertainment ang TV5, ngunit hindi rin ito nagtagal.

Pinabulaanan naman niyang mag-iiba na ng pangalan ang istasyon, mula TV5 at magiging ESPN5 na raw.

Ang Sports5 lang daw ang ni-rebrand ng management.

Saad pa ng dating PBA coach, "TV5 is alive and kicking.

"We are just re-positioning, pivoting.

"And, like I said, we are just competing on a space that we have a chance to be number one."


(TV5 President Chot Reyes.)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN