Ellen Adarna dismisses pregnancy rumor; says she's not related to Jay Sonza

IMAGE Noel Orsal

"We are not related," said Ellen Adarna, dismissing assumptions that she is the pregnant "Elena" in broadcaster Jay Sonza's Facebook post.


Pinabulaanan ni Ellen Adarna na buntis siya.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol dito nang kumalat sa social media ang Facebook post ng veteran newcaster na si Jay Sonza, kung saan makikita ang umano'y usapan nila ng pamangkin niyang si "Elena."

Sa post niyang ito kahapon, October 11, ibinahagi ni Jay ang pag-uusap nila ng kanyang "niece" na "namamasyal at nagpapahinga" sa abroad.

Sa isang bahagi, masayang ibinalita ng pamangkin ni Jay na malapit nang maging lolo ang dating host ng Mel & Jay.

Inaya rin ni "Elena" si Jay na puntahan siya dahil nag-propose na raw umano sa kanya ang kasintahan. 

Nang tanungin ni Jay kung nasaan ang pamangkin, ang sagot daw nito sa kanya: "Diba sabi mo sakin pag gusto kong mamahinga at mamasyal ay puntahan ko ang saint tropez, nice, morocco or venice, am here tito."

Sa umpisa ng kanyang post, mapapansin ang tila disclaimer ni Jay na: "HINDI ITO BREAKING NEWS." 

Sa dulo naman ay may isa pang mensahe ang 62-year-old broadcaster para sa makababasa ng kanyang post.

"Nakupo nandiyan pala kayo. Sorry ha, I just got carried away with the good news from 'niece.'"

INTRIGUING POST. Maraming netizens ang nagsimulang magtanong kung si Ellen Adarna ang "Elena" na tinutukoy ni Jay, at kung si John Lloyd Cruz ang kasintahan nito.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe si Ellen, 29, kasama ang rumored boyfriend niyang si John Lloyd, 34. 

Kabilang sa mga napuntahan na nilang lugar ang Morocco, na isa rin sa mga nabanggit na lugar ng "niece" ni Jay sa Facebook post ng huli. 







NOT RELATED. Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ngayong Huwebes, October 12, humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kay Ellen tungkol sa viral post ni Jay Sonza. 

Agad naman siyang sumagot at nilinaw ni Ellen na hindi siya ang "Elena" na pamangkin ng newscaster. 

Bagamat hindi raw siya sigurado kung nagkakilala na sila nang personal ni Jay, sabi ni Ellen, "We're definitely not related." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ellen ay taga-Cebu City, habang si Jay ay tubong Macabebe, Pampanga.

Sa pamamagitan din ng Facebook Messenger, sinubukan ng PEP na humingi ng paglilinaw mula kay Jay Sonza. Ngunit wala pa itong sagot sa aming mensahe.

Base sa huling social media posts ni Ellen, nasa Paris, France, sila ngayon ni John Lloyd. 

Bago ito ay inanunsiyo ng ABS-CBN na naka-"indefinite leave" ang aktor mula sa showbiz.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her "bloggerjowa"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN