Cristine Reyes reveals how marriage and motherhood changed her life

IMAGE Noel Orsal

Cristine Reyes says she has changed a lot since she got married and had a daughter. "And now it changed me because it changes my priorities in life it, changes yung goal ko sa life and lahat nagbago talaga."


Masaya raw si Cristine Reyes ngayon sa kanyang buhay dahil mas tahimik ito.

Simula nang mag-asawa siya, binigyang prayoridad na raw ng 28-year-old actress ang kanyang personal na buhay.

Ikinasal si Cristine sa 34-year-old mixed-martial artist na si Ali Khatibi noong January 2016.

Mayroon silang isang anak, ang two-year-old na si Amarah.

Ano ang masasabi ni Cristine na hindi na siya hinahabol ng mga intriga?

Tugon niya, "I’m happier, because it goes to show na, I think, I’ve matured enough.

"And I’m happy na tahimik ang buhay ko ngayon."

Bago mag-asawa at mag-lie low sa showbiz, tampulan ng intriga sa Cristine at madalas naiisyu noon tungkol sa kanyang “attitude.”

Ang pinakahuling kontrobersiya na kinasangkutan niya ay ang away nila ng veteran actress na si Vivian Velez.

Nagkasama sila sa 2016 ABS-CBN drama series na Tubig at Langis.

Reklamo noon ni Vivian, napahiya raw siya nang magpakita umano ng hindi magandang asal si Cristine nang magsama sila sa isang kuwarto habang nagpapahinga sa set.

Dinepensahan naman ni Cristine ang sarili at itinangging siya ang nagpakita ng hindi magandang pag-uugali.

Ayon kay Cristine, kabaliktaran ang nangyari dahil siya ang pinakitaan ng hindi maganda ni Vivian.


Stories We Are Tracking

Cristine Reyes breaks silence on issue with Vivian Velez
Cristine Reyes breaks silence on issue with Vivian Velez
Vivian refuses to support a lead actress like Cristine
Vivian refuses to support a lead actress like Cristine

Dahil tila tahimik ang buhay niya ngayon, biniro si Cristine kung hindi ba niya nami-miss ang mga intriga.

Tugon niya, “Parang hindi ko pa [nami-miss] para hanapin.

“Malaking bagay dahil, noon kasi, ako lang mag-isa, independent.

“I can do whatever I want, whenever I wanna go.

“And now, it changed me because it changes my priorities in life, it changes yung goal ko sa life, and lahat nagbago talaga.

“At, the same way, I see it as good, positive outcome.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa bloggers’ conference ng upcoming horror movie na Spirit of the Glass 2: The Haunted, nitong Huwebes, October 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Cristine sa pelikula sina Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Maxine Medina, Ashley Ortega, Enrique Cuenca, Aaron Villaflor, Dominic Roque, at Janine Gutierrez.

Magbubukas ang Spirit of the Glass 2 sa November 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN