Nadine Lustre reveals own battle with depression; hints at suicidal thoughts in the past

IMAGE Instagram @nadine

Nadine Lustre on battle with depression: "Before you do something you will regret, think about all the great things that you can do in the future, people you will meet and places you travel to, the lives you will touch. I almost did it before and Im so thankful that I didn't do it, because If I did, I wouldn't be living the life that I have now. Stay with us because life is beautiful. #KeepGoing"


Inamin ni Nadine Lustre, 23, na minsan na rin siyang dumaan sa matinding depression.

Sinabi niya ito sa gitna ng kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng nakababatang kapatid na lalaki—si Isaiah, 16.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 12, sinabi ni Nadine na minsan nang umabot sa puntong muntik siyang sumuko dahil sa pagkalunod sa negatibong emosyon noon, at nararanasan pa rin niya ito maging hanggang ngayon.

Pagbabahagi niya: "It may come as a surprise to you but I have struggled with depression way back and still am to this day.

"I have days where Im just sitting in the tub, asking myself a lot of questions, confused..

"I felt like I was just looking in someone else's life through a window.

"Feeling bad cuz I am not enough and everything that I do and will do will never be enough.

"It's not easy.

"I have days when I have to put a mask on, smiling, numbing myself from negative emotions, too often I have already mastered the art of hiding it, I bet, you never even noticed it."

KEEP GOING. Base sa sumunod na pahayag ni Nadine, tila sumagi rin sa isip niya noong kitilin ang sariling buhay. 

Ngunit laking-pasasalamat daw niya na nangibabaw ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Ayon kay Nadine, "Im thankful that Im blessed to have a strong heart and clear mind.

"Family who will always be my strength.

"Friends who will always pull me up.

"Love who will always guide me."

Diin ng It's Showtime host, napagtanto niyang hindi solusyon ang pagsuko ng sariling buhay sa anumang problemang kinaharap niya noon.

"Before you do something you will regret, think about all the great things that you can do in the future, people you will meet and places you travel to, the lives you will touch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I almost did it before and Im so thankful that I didn't do it, because If I did, I wouldn't be living the life that I have now.

"Stay with us because life is beautiful.

"#KeepGoing"

Ang kapatid ni Nadine na si Isaiah ay hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, na nailathala sa journal.com.ph, natagpuang duguan at nakahandusay si Isaiah sa loob ng silid nito noong Sabado ng gabi, Oktubre 7.

Nakasaad din umano rito ang pahayag ng mga kapatid ni Isaiah, sina Ezekiel at Naomie, na kasalukuyan daw silang naglalaro ng games sa i-Pad nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril mula sa silid ng biktima.

Isinugod ang binata sa Pacific Global Medical Center, ngunit hindi na rin ito nakaligtas.

ASK FOR HELP. Sa kabila ng sakit na dala ng pagpanaw ng nakababatang kapatid, tinupad ni Nadine ang pangakong magbigay ng mensahe sa kapwa-kabataang dumaranas ng depression. 

Payo ng aktres, huwag mahiyang humingi ng tulong mula sa pamilya at malalapit na kaibigan.

"if you ever hit rock bottom, dont be ashamed of opening up to your loved ones.

"if anyone understands and cares about what you're going through, its them.

"You are who/what you say you are.

"If you think you're weak, you will be weak.

"If you tell yourself you are not worthy, you will be unworthy.

"But, if you say you're strong, you will be strong and if you tell yourself you can do it, you can do anything.

"The ONLY validation that you will ever need is one from yourself."

NO TO SUICIDE. Ayon pa kay Nadine, marami sa mga kabataan ngayon ang dumaranas ng matinding depression dala ng kasawian sa pag-ibig.

Pero inulit niyang walang masama sa pag-iyak at maging malungkot, ngunit hindi kailanman solusyon ang pagkitil ng sariling buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If you're HEARTBROKEN, cry it out, okay.. and then STOP.

"Pick yourself up and dust it off.

"He/She ain't the last person on earth.

"Trust me when I tell you that you will find someone else... meant for you and who will better you.

"I didn't believe that before either, but here I am now.

"DONT EVEN think about hurting yourself or taking your life just because you want the pain and sadness to stop.

"ITS OKAY to be sad.

"ITS OKAY to feel pain.

"ITS OKAY to be vulnerable.

"We are made to have emotions.

"Dont be afraid to let it out."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN