Hero Bautista back to work as QC councilor; declares he's now "100 percent clean" of drugs

IMAGE Arniel Serato

Aminado si Quezon City fourth district councilor Hero Bautista na nadismaya sa kanya ang kapatid na si Mayor Herbert Bautista dahil sa pagkalulong niya sa bawal na gamot. Ngunit ipinangako raw niya sa alkalde na magbabago siya, kaya boluntaryo siyang pumasok sa rehab.


Balik-trabaho na si Hero Bautista bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City, bagamat hindi pa tapos ang kanyang pagpapa-rehab.

Lagpas isang taon na mula nang boluntaryong pumasok sa drug rehabilitation ang konsehal at dating aktor.

Ito ay pagkatapos siyang magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Sa kanyang privilege speech sa konseho noong Agosto 2016, sinabi ni Hero na magli-leave muna siya sa trabaho upang magpa-rehab.


Stories We Are Tracking

Hero Bautista volunteers to go to rehab
Hero Bautista volunteers to go to rehab
Hero Bautista allegedly tested positive for drug use
Hero Bautista allegedly tested positive for drug use

Dumalo ang nakababatang kapatid ni Mayor Herbert Bautista sa 78th founding anniversary ng Quezon City, na ginanap sa Seda Hotel, Huwebes ng gabi, Oktubre 12.

Dito siya nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media.

Kumusta na siya ngayon?

Tugon ni Hero, “Mabuti naman... working. Working good.”

Kailangan din daw niyang ayusin ang sarili para sa kanyang dalawang anak—isang 16 anyos at isang 15 anyos.

Ano ang nag-motivate sa kanya upang talikuran ang paggamit ng ilegal na droga at pumasok sa rehab?

Seryosong pahayag ni Hero, “Well, I’m getting old, I have to start to fix things.

“I have to concentrate on my work, for my kids... I have two kids.

"Of course, I have to serve my people. I have to motivate myself to be a good public servant."

Hindi ba siya natakot noon sa kanyang pag-aming nalulong siya sa droga at sa iisipin ng kanyang constituents?

Tugon niya, “Well, when I went back sa labas, with my constituents, masarap ang pagtanggap sa akin, mainit.

“They missed me a lot, and they were looking forward for me to be with them and serve them.

“Right now, I’m still under process of going back there [rehab] and working [at the QC council] and going back there.

"Pero, after next week, I’ll be off.”

Ano ang mga naging realization niya sa loob ng rehab?

Sagot ni Hero, “Well, marami.

"Ang natutunan ko rin ay yung self-respect, humility, and acceptance na I have to bear with myself, na kailangan mag-mature na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, of course, it’s time for me to concentrate with my kids, of course my work, serve the public as well.”


PNP DRUG LIST? Bago umamin noon si Hero sa pagkagumon sa droga, may kumalat na blind item na, diumano, isang public servant sa Quezon City na may konek sa showbiz ang kabilang sa drug list ng Philippine National Police (PNP).

Pero itinanggi niya ito.

Diin ni Hero, “It's not true, it's not true.

"Siyempre, in politics, maraming tsismis ang lumalabas."

Hindi rin daw dahil sa kanyang trabaho sa showbiz kaya siya nalulong sa droga.

“Well, it’s my personal choice na ganun ang nangyari sa akin.

"Siyempre, it's my dark past, so we have to move and work for the better."

Ano ang sabi ng kapatid niyang si Mayor Herbert Bautista?

Pag-amin ni Hero, “Well, nasaktan si Mayor sa mga ginagawa ko, and napag-usapan namin.

"And sabi ko naman, I'm ready naman to go in, and willing, and voluntary naman akong pumasok [sa rehab]."

Medyo tumaba si Hero ngayon dahil sa pagkain na lang daw siya bumabawi.

Pero "100 percent clean" na raw siya sa drugs.

Mensahe pa niya sa kanyang constituents, “Well, I’m back, and nais ko na pagsilbihan kayong mabuti nang matagal.

“Nais ko rin pong ipakita na ang tao ay may second chance, ang pagbabago.

“Sana ganun rin po ang mga kabataan natin na nalihis ng landas.

"May pagbabago pa ho tayo at isulong po natin ang pamilya natin.

"Yun lang po ang sandigan natin, ang pamilya natin."

Magkasalungat ang numero ng napapatay na sa drug war.

Ang mga ito ay mga diumano'y durugista, na naglalako o nagtuturok, na naiulat na nakipaglaban o natukoy sa buy-bust operations o sa raids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa official figures ng Philippine National Police na napatay, nasa mahigit lang sa 3,000; sa figures ng human rights' watch groups, nasa mahigit 12,000 na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN