Alessandra de Rossi still mum on real score with Marc Abaya

IMAGE Noel Orsal

Nais ni Alessandra de Rossi na manatiling pribado ang kanyang love life. "Kasi, hindi ko feel yung nalalaman ng tao yung buhay ko na hindi naman kami close." Mas gusto niyang mag-focus sa kanyang mga proyekto, tulad ng latest movie niyang 12, na siya rin ang nagsulat.


Iwas-pusoy si Alessandra de Rossi nang kulitin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilang entertainment columnists, tungkol sa kasalukuyang status ng kanyang love life.

Nangyari ito sa group interview para sa pelikulang 12, na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong October 11.

Ang 12 ay tungkol sa dalawang tao na limang taong matalik na magkaibigan at nag-live-in sa loob ng pitong taon. 

Nakiusap sa press si Alex, palayaw ni Alessandra, na kung maaari ay huwag na ang love life niya ang pag-usapan dahil unfair daw ito sa promotion ng pelikula, na siya rin ang nagsulat ng istorya.

Bukod pa rito, nakakahiya naman daw sa leading man niya, na katabi niya sa mga sandaling iyon.

Kasama ni Alex sa 12 si Ivan Padilla, isang newbie actor sa Philippine movies pero may mga nagawa nang TV shows sa Amerika.

UNEASY ON RECORD. "Anong kinalaman sa pelikula?" pakli pa ng 33-year-old actress.

Hangga't maaari raw ay ayaw niyang pag-usapan ang kanyang love life on record.

"Hindi ko talaga type 'yan.

"Hindi ko type na pinag-uusapan ako, tinatanong ako about my personal life na may naka-on na recorder.

"Kasi, sumasagot naman ako kapag naka-off, e. Hahaha! Alam niyo yun?

"Kasi, hindi ko feel yung nalalaman ng tao yung buhay ko, na hindi naman kami close.

"Yung ganun, hindi ako ganun.

"Gusto kong umarte, totoo yun. Ang hilig kong umarte."

Mas gusto raw ni Alex na i-limit sa mga taong malalapit sa kanya ang mga detalye ng kanyang love life. 

Paliwanag niya, "Yung tungkol sa buhay ko, ayokong pinag-uusapan yun ng ibang tao na hindi ako mismo kilala.

"At wala ako dun para, hindi ko ma-defend ang sarili ko.

"Kasi kaya kong i-defend ang sarili ko, e.

"Puwede kong sabihin na, 'Hindi kasi 'yan ang point, hindi mo lang na-gets."

Alam daw kasi ng aktres na maaaring may maka-misinterpret ng mga bagay na ibinabahagi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Siguro si Alex, ganito, ganyan. Siguro, sila na ni ganyan.'

"Ayoko ng ganun, kaya ayokong maging sikat."

Pero, in love ba siya ngayon?

Sagot niya, "I'm always in love, you know me."

MUM ON REAL SCORE. Si Marc Abaya ang napapabalitang dine-date ni Alex ngayon.

Katunayan, dumalo ang actor-musician sa premiere ng box-office hit movie ni Alex na Kita Kita, at siya ang "date" ng aktres. 

Sa interview ng PEP.ph kay Marc na lumabas noong July 20, 2017, sinabi nitong si Alex ang "Dunya ng buhay ko."

Ngunit idiniin din ng 37-year-old musician-actor na "very close friends" lamang sila ng actress-singer at ngayon ay screenwriter na rin.

Si Alex naman ay madalas na ring mag-post sa kanyang Instagram account ng mga litratong si Marc diumano ang may kuha.

Mayroon din silang picture together, although medyo malayo ang distansiya nila sa isa't isa.

Ayon sa geotags ni Alex, kuha ang mga larawang ito sa isang diving resort sa Anilao, Batangas.

Ano ang masasabi ni Alex dito?

Sagot ng award-winning actress, "Kayo lang naman ang nagbibigay ng meaning sa mga pinu-post ko.

"Lahat naman pinu-post ko, di ba?"

Pero gaano na sila katagal ni Marc kung officially ay silang dalawa na?

Patanong na sagot ni Alex, "Saan 'yan?

"Busy ako. Walang ganun.

"Anong kinalaman sa movie?"

Sa kabila ng pag-iwas niya sa mga tanong, nasabi ni Alex na ang marrying age ay 25 years old, pero lampas na siya sa edad na ito.

Bakit kaya?

Tugon niya, "Ay, hindi ko naman [kontrolado ang] buhay.

"Ako ba ang nagdedesisyon?

"Sana hawak natin yung mga pangyayari sa buhay natin para ganun kabilis yun.

"Hindi na natin kailangang magdasal. Di ba?"

 


Stories We Are Tracking

Marc Abaya opens up about closeness with Alessandra de Rossi
Marc Abaya opens up about closeness with Alessandra de Rossi

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN