Mayor Herbert Bautista clarifies romantic involvement with Kris Aquino

IMAGE Courtesy: Jun Nardo

Tumangging magsabi si Quezon City Mayor Herbert Bautista kung anong posisyon ang susunod niyang tatakbuhan sa 2019 elections. Itinanggi rin niyang tatakbo sa QC si Kris Aquino. 


“Oo naman. We communicate, pero hindi na salita.”

Ito ang tugon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, 49, nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nag-uusap pa ba sila ni Kris Aquino, 46.

Mula kasi nang napabalitang nagkita sila sa Italy noong Marso ng taong kasalukuyan, wala nang sumunod na balita tungkol sa kanila.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy

Nitong Huwebes ng gabi, October 12, natiyempuhan ng PEP.ph si Mayor Herbert habang papasok sa venue ng ginanap na Manuel L. Quezon Gawad Parangal 2017, sa Seda Hotel, sa Quezon City.

Dito namin siya inusisa tungkol sa kanila ni Kris.

At sinabi nga ng actor-politician na patuloy pa rin ang komunikasyon nila, "pero hindi na salita."

Hindi naipaliwanag ni Mayor Herbert kung ano ang ibig sabihin nito.

Nang tanungin naman kung hiwalay na talaga sila, natatawang sagot ng alkalde: “Matagal na.”

Pero naging sila ba talaga?

Nakangiti, ngunit tila pag-iwas niyang tugon, “Hindi rin. Wala lang... ano lang, kaibigan lang.”

Taliwas ito sa mga naging pahayag ni Kris noon.

Matagal-tagal na ring lumipat si Kris sa Quezon City, mula sa Makati City. Nakadalawang bahay na nga siya sa tinaguriang "City of the Stars" ni Mayor Herbert, halaw sa bansag sa siyudad na unang ibinigay ng yumaong Mr. Showman German Moreno.

Ibig bang sabihin nito ay tatakbo na ang TV host-actress sa lugar na nasasakupan ni Mayor Herbert?

Pagtanggi ng mayor, “Hindi, hindi siya tatakbo dito.”


WHAT’S NEXT FOR HERBERT? Nasa huling termino na si Herbert bilang mayor ng Quezon City. Tatlong termino ang limit ng isang mayor.

Ang napapabalitang tatakbo sa lungsod bilang alkalde sa susunod na eleksyon ay ang kanyang kasalukuyang bise na si Joy Belmonte.

Nitong nakaraang Linggo, October 8, lumipat ng partido si Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula Liberal Party (LP) ay bumalik siya sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Bakit siya nagbalik sa NPC?

Tugon ni Mayor Herbert, “I think NPC is a good party.

“The party siyempre… they’re strong in the provinces.

"And they are a very influential party sa administration ni President [Rodrigo] Duterte."

Anong posisyon ang susunod niyang tatakbuhan? Magsi-senador na ba siya sa 2019?

“Wala pa, e, matagal pa naman yun, e,” sambit ni Mayor Herbert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN