Morissette Amon still on cloud nine after earning raves at Asia Song Festival 2017

IMAGE Noel Orsal

Morissette Amon is preparing for something big in her singing career. The Kapamilya singer says, "Right now, we're trying to get into an international career. Hopefully, it will happen very, very soon."


Labis daw ikinagulat ni Morissette Amon ang mainit na pagtanggap ng mga taga-South Korea sa kanya sa Asia Song Festival 2017, na ginanap sa Busan, South Korea, noong huling linggo ng September 24.

Ang 21-year-old Kapamilya singer ang kinatawan ng Pilipinas sa annual song festival na ito na gianaganap sa South Korea.

Kabilang sa iba pang artists na nag-perform sa Asia Song Festival 2017 ay ang sikat na K-Pop acts na EXO, Mamamoo, Dynamic Duo, at si Taeyeon ng Girls' Generation, pati na ang Swedish singer-songwriter na si Zara Larsson.

Naging viral ang video ng performance ni Morisette ng mga kantang “Secret Love Song” ng Little Mix, “Best of My Love” ng The Emotions, at "Emotion" ni Mariah Carey.

Marami ring Pinoy ang humanga sa galing niyang kumanta.

Pahayag ni Morissette, “Of course, it's a dream come true to perform for another audience, for a bigger audience.

"I'm just really, really grateful na nangyari po yun.”

Patuloy niya, “Ako, unang-una, I'm just very happy na I made a lot of Filipinos proud.

"I mean, yung feedback nila sa videos na yun...

"Kahit wala sila, siyempre nanonood sila, nag-download sila ng V Live para mapanood mismo ang Asia Song Festival.

“Just to get the feedback na masaya naman ang bansang Pilipinas, na ako po ang nakapag-represent and to give that kind of performance, parang okay na okay na sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Morissette sa press conference para sa Himig Handog 2017, nitong Huwebes, October 12.

kailangan ko 'atang magpakagat ng zombie ng malaman kong totoo itooooo, hahaha 'chos ???????????? my spot/performances at the #AsiaSongFestival2017 is now the No.1 TRENDING YOUTUBE VIDEO (reuploaded by Juana Dela Cruz from VLive) in the #Philippines!!!! maraming salamat po for the overwhelming feedback and love!! thank You Lord! sobrang laking privilege and honor po ang mairepresent ang ating bansa in this prestigious music festival across Asia that is also for a good cause (it was a SOLDOUT concert in which proceeds go to Unicef) in the best way I can through my gifts and talents.. ????? to the Korean government and organizers of this festival for having me this year, it was such an amazing experience and I wish to be seeing more of your beautiful country soon! to the team who made this trip all the more fun and memorable: my manager Tito @davidgesmundocosico, hair&makeup @mikodacanay, stylists @johnlozano10 @oh_no_its_gianni, @asapofficial team: Ate @notfranciiis w/ cameraman Kuya Clint and Direk Dexter, Mommy, our interpreters and Korean friends: Joanne and Sir Danny, thank you guys so much!! thanks also to Kuya @adonistabanda for my M1's and original arrangements for #SecretLoveSong & mashup #BestOfMyLove #Emotions, panalo talaga eh! thanks too, @sennheiserph! solidmowienatics, walang hanggang pasasalamat po sa inyo! ?????????? God is so good.. more exciting stuff ahead hihi!

A post shared by M O R I S S E T T E ???? (@itsmorissette) on

Dahil sa positibong pangyayari, may balak ba siyang subukang magkaroon ng international career?

“We're planning,” nakangiting sagot ni Morissette.

“We're hoping and praying na maging okay po lahat.

“Right now, we're trying to get into an international career.

“Hopefully, it will happen very, very soon.”

Tumanggi munang magbigay ng anumang detalye ang “Akin Ka Na Lang” singer tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I can't share yet, pero it's something big, it's something na hindi ko ine-expect na mangyari.

“Right now, I'm hoping for the best and sana maging okay ang lahat.”

HIMIG HANDOG 2017. Samantala, habang naghihintay ng announcement tungkol sa international singing career niya, inanyayahan muna ni Morissette ang kanyang fans na tangkilikin ang kantang in-interpret niya para sa sa Himig Handog 2017.

Ito ay ang “Narinig Mo Na Ba?”

Ikatlong pagkakataon na ito ng dating The Voice contestant para maging interpreter sa annual songwriting contest ng ABS-CBN.

Para sa kanya, isa ito sa mga ikinararangal niyang gawin.

Saad ni Morissette, “Very happy po ako kasi ang daming artists po talaga ng Star Music.

"Pero nung shinare po sa akin nina Kuya Jonathan [Manalo] and Sir Roxy [Liquigan] na nung narinig nila yung 'Naririnig Mo Ba?', ako yung na-imagine nila to sing the song.

“Of course, I'm very, very, grateful and fortunate to be chosen to interpret again.

“Pero iba din yung concept niya, iba rin yung atake niya from my previous entries in the last couple of years.

“I'm so excited to sing it this Sunday, live for the first time.”

Sa palagay kaya ni Morissette ay magiging isa rin itong hit song, katulad ng naging signature song niyang “Akin Ka Na Lang”?

Ang “Akin Ka Na Lang” ay mula sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Ang sumunod niyang kanta mula sa Himig Handog ay ang “Diamante,” na in-interpret niya noong 2016.

Tugon ni Morissette, “I hope so, sana tumatak pa rin siya sa mga tao.

“Pero natutuwa ako kasi, as early as now, parang yung mga supporters din, gumagawa sila ng pa-memes, pa-joke na, 'Huwag, huwag, huwag.'

“In that sense, it means naalala nila yung song or yung title ng song.”

Dagdag pa niya, “For me, ang laki ng utang ng loob ko talaga sa very first song ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm just really happy na to be able to interpret again.

“Another beautiful song, another something to share to everybody.

"Yun, sana mabigyan ko ng justice, live."

Himig Handog 2017 composers and interpreters.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN