Steven Seagal accused of sexual misconduct by Inside Edition correspondent

IMAGE Facebook / lisaguerrero.com

Steven Seagal (left) is in the country to join the panel of judges in the upcoming Miss Earth 2017 beauty pageant when Newsweek broke the story of his alleged sexual misconduct involving Inside Edition correspondent Lisa Guerrero (right). He denied the accusation.


Naririto ngayon sa Pilipinas ang veteran Hollywood action star na si Steven Seagal.

Isa siya sa mga hurado ng Miss Earth 2017, na magaganap sa Mall of Asia Arena sa November 4.

Bukod dito ay may location hunting din siya para sa bagong pelikulang gagawin niya.
   
Damay si Seagal sa sunud-sunod na issue ng sexual assault at sexual harassment na kinasasangkutan ng malalaking tao sa Hollywood.

Kabilang sa mga nasangkot sa isyung ito ang actor-comedian na si Bill Cosby, ang popular TV host na si Bill O’Reilly, at ang head honcho ng Fox News and Television na si Roger Ailes.

And pinakahuli at pinakamalaking balita ngayon sa buong mundo ay si Harvey Weinstein, ang influential movie producer at co-owner ng higanteng film outfit sa Hollywood—ang Miramax.

Lumabas ang baho ni Weinstein dahil sa pagsasalita ng Hollywood A-listers, tulad nina Gwyneth Paltrow at Angelina Jolie, na pawang nakagawa ng mga pelikula para sa Miramax.


Stories We Are Tracking

Fil-Italian model dragged into Harvey Weinstein scandal
Fil-Italian model dragged into Harvey Weinstein scandal

SEAGAL EXPOSED. Kamakailan lang ay nakasama na rin si Seagal sa inakusahan ng sexual harassment.

Ito ay dahil sa mga rebelasyon at akusasyon laban sa kanya ng Inside Edition correspondent na si Lisa Guerrero at iba pang Hollywood stars.  

Ang Newsweek ang naglabas ng report tungkol sa hindi umano kanais-nais na karanasan ni Guerrero sa kamay ni Seagal sa insidenteng nangyari noong 1996.

Inilabas ng Newsweek ang kanilang report matapos ng courtesy call ni Seagal kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace kahapon, October 12.

Ipinagtapat ni Guerrero, 53, na ipinatawag siya ni Seagal, 65, sa tahanan nito sa Beverly Hills para mag-audition sa female lead ng pelikulang gagawin ng aktor.

Ayon sa report, nagpunta si Guerrero sa Beverly Hills home ni Seagal, pero tiniyak niyang may kasama siya.

Nang dumating daw sila sa tahanan ni Seagal, silk robe lamang ang suot ng action star.

Sinabihan daw ng action star si Guerrero na basahin ang mga linya ng female lead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’re fantastic! Tell me about yourself!” ang diumano’y reaksiyon ni Seagal sa performance ni Guerrero.

Pahayag pa ni Guerrero sa Newsweek, “I drove home feeling pretty good about the audition and that same day my manager called.

"‘Steven wants to offer you the lead,’ she said, ‘but you have to go back to his home for a private rehearsal tonight.’”

Tumanggi raw si Guerrero na bumalik sa bahay ni Steven.

Napasakamay ni Marg Helgenberger ang role sa 1997 movie na Fire Down Below na dapat ay para sa kanya.

Pero binigyan pa rin daw si Guerrero ng maliit na role sa nasabing pelikula.

At nang dumating siya sa set, naabutan niyang nakikipagkuwentuhan si Seagal sa male crew members.

Tiningnan siya ni Seagal, may sinabi ito sa crew, at biglang nagtawanan ang mga ito.

LIKE WEINSTEIN. Nang lumapit si Seagal kay Guerrero, niyaya niya ang huli na pumasok sa kanyang dressing room, pero muling tumanggi ang then-aspiring actress.

Hindi napanood ni Guerrero ang Fire Down Below, pero alam niyang na-edit ang kanyang mga eksena.         

Sabi pa ni Guerrero sa Newsweek, “When I read about Harvey Weinstein, the reports of him appearing in a robe triggered me. That’s exactly what Steven Seagal did.

"I found out later that he was notorious for this.” 

Napanood ngayon sa Thursday edition (American time) ng Inside Edition ang report tungkol sa multiple allegations laban kay Seagal.

Nagsalita rin dito si Jenny McCarthy, former Playboy Playmate at ex-girlfriend ng Hollywood actor na si Jim Carrey, tungkol sa naging trato sa kanya ni Seagal sa isang casting session na pinuntahan niya noon.

“So you were Playmate of the Year? Take off your dress,” ang diumano’y sinabi ni Seagal kay McCarthy.

Sabi ni Guerrero sa Newsweek, "That’s Hollywood. As an aspiring actress, you have zero leverage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who was I going to go to complain about sex discrimination? He was both the star and a producer on the film."

Sa nasabing episode ng Inside Edition, pinabulaanan ni Seagal ang bintang sa kanya ni Guerrero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN