Ai-Ai delas Alas protects fiancé Gerald Sibayan from cyberbullies; consults lawyer

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas is determined to protect future husband Gerald Sibayan from bashers. She said, "Bilang kanyang magiging maybahay ay karapatan kong ipagtanggol siya sa mga taong walang magawa kundi mag-internet na ginagamit sa kasamaan ang kanilang daliri at isip."


Pursigido si Ai-Ai delas Alas na kasuhan ang mga netizen na walang tigil sa pambu-bully sa kanyang fiancé na si Gerald Sibayan.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, October 13, ipinakita ng 52-year-old comedienne ang screenshot ng pagpapakonsulta niya sa isang abugado.

Dito ay tinanong ni Ai-Ai kung ano ang puwede niyang gawin sa mga patuloy na namba-bash sa kanyang 23-year-old na mapapangasawa.

Sa screencaps ng pakikipag-usap niya sa abugado, mababasa ang paliwanag kay Ai-Ai tungkol sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Sa bahagi ng paliwanag na ito, sinabi ng abugado kay Ai-Ai: “Gerald can personally file a report against the bully for online harassment. Just collect screenshots.

“Take note of link on the address bar or search bar. It takes about a week or so for the investigation to be conducted.”

Sa caption ng kanyang post, ipinaliwanag ni Ai-Ai na nais lamang niyang protektahan ang kanyang mapapangasawa, na maituturing pa rin umanong pribadong indibidwal.

Pahayag ng Kapuso star, “Ang aking magiging asawa ay pribadong tao.

"nagkataon lang na si gerald sibayan ay naging kasintahan ko at mapapangasawa sa darating na disyembre..

“bilang kanyang magiging may bahay ay karapatan kong ipagtanggol sya...

"sa mga taong walang magawa kundi mag internet na ginagamit sa kasmaan ang kanilang daliri at isip para sa inyo ito.”

Sa December 12 gaganapin ang church wedding nina Ai-Ai at Gerald.

Samantala, suportado naman ng kapwa niya comedienne na si Pokwang ang plano ni Ai-Ai na protektahan ang mapapangasawa nito.

Sabi ni Pokwang, “Tama yan @msaiaidelasalas sampolan mga yan!! mga hindi nalang kasi maging masa sa kapwa nila! Parang mga tanga!”

Sagot naman ni Ai-Ai, “Yes Pokee laban hehehe SAMPOL SAMPOL !!!”

Dagdag na hirit pa ni Pokwang, “Mga kinakain ng inggit ang pagkatao ng mga yan! Naku sarap kutusan bwahahahahahahaa deserve mo maging happy noh! Wag nga sila diyan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN