Ai-Ai delas Alas firm about pursuing cyberlibel cases against bashers of fiancé Gerald Sibayan

IMAGE Nice Print Photography / Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas explains plan to file cyberlibel cases against fiancé Gerald Sibayan's bashers: "Puwede palang magkaso nang ganun kasi nilalait nila ang buo mong pagkatao. Libel yun, kaya ako ang lalaban para sa asawa ko. Kahit kanino sa pamilya ko pag inaapi, ako lumalaban."


Kinapanayam si Ai-Ai delas Alas ng PEP ngayong Sabado para linawin ang kanyang Instagram post kahapon kunsaan makikita ang screenshot ng palitan ng text messages nila ng kanyang abugado.

Sa pakikipagpalitan niya ng text messages sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng Kapuso Comedy Queen na pursigido siyang ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa mga sinasabi niyang nam-bully at nam-bash sa partner niyang si Gerald Sibayan.

Tinanong namin si Ai-Ai kung saan ito nasaktan nang husto at nakapagdesisyong magdemanda.

Paliwanag niya tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya, “Sanay naman ako—ako yung matanda, na papalitan ako ng bata, pera-pera, mga ganun. Di ako nasasaktan.

“Ang nasasaktan ako, may isang nagsabing, ‘Ayaw maghirap ng batang 'to, magtrabaho kasi.'

“Ako nakakakita kay Gerald, 4 a.m. pa lang, gising na 'yan kasi nagku-coach sa mga bata ng badminton.

“After nun, sa tanghali, nagwa-one on one 'yan, nagtuturo.

“Sa hapon, nagtuturo na naman sa San Sebastian [College].

“Naninigas na kamay niya sa kaka-feed ng bola.”

VALID GROUNDS FOR CYBERLIBEL. Napag-alaman daw nilang may mga bashers na fake accounts lang, pero may mga ilang lehitimong accounts daw na nakilala na nila, kaya itutuloy daw talaga nila ang pagsampa ng kaso.

Patuloy niya, “Magiging asawa ko si Gerald.

“Ako kasi, di ako pumapatol sa mga bashers, kasi lugi kami, e. Yung iba fake.

“Yung mga iba na legit, yun sampulan ko, kasi di ka naman puwede magdemanda pag hindi legit yung link.

“Yung mga legit na account na nagbura, natakot siguro."

Sabi nito tungkol kay Gerald, “Yung tao, walang kalaban-laban, pag private na tao.

“Puwede palang magkaso nang ganun, kasi nilalait nila ang buo mong pagkatao.

“Libel yun, kaya ako ang lalaban para sa asawa ko.

“Kahit kanino sa pamilya ko pag inaapi, ako lumalaban."

Inalala niya ang kasong kinasangkutan ng anak na si Sancho laban sa isang server ng tindahan malapit sa iskwelehan ng anak, ilang taon na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko naman yung kalaban ni Sancho dati, ilang beses nag-sorry.

“Nung una kinalaban kami, dinemanda pa yung batang nag-witness kay Sancho.

“Ngayon, ayun, convicted na yun. Di na makapag-abroad.”

HURT. Nasasaktan daw si Ai-Ai para kay Gerald dahil hindi naman daw kilala ng mga nanlalait ang pagkatao ng kanyang fiancé.

Lalo pa raw siyang nasasaktan dahil ganun na lang kababa ang tingin ng mga bashers kay Gerald, na kaya siya papakasalan nito ay dahil lamang sa pera niya.

Kaya kahit mag-sorry pa raw ang mga ito, itutuloy daw niya ang kaso.

“Matinong tao at pamilyang pinanggalingan si Gerald.

“Minsan naiisip ko din, bakit puro pera lang?

“Di ba ako mabuting tao, maasikaso, mabait, mapagmahal?

“Kailangan ba pera lang lahat ang magugustuhan minsan ang isang tao?"

Sabi pa ni Ai-Ai, yung mga tumitingin lang sa pera, yun rin ang mga nag-iisip na sa pera lang tumitingin ang lahat ng tao.

"Sabagay, ganun ang mentalidad," sabi ni Ai-Ai sa mga bashers ng kanyang mapapangasawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN