Glaiza de Castro helps good friend Angelica Panganiban move on from breakup blues

IMAGE Glenn Regondola

Glaiza de Castro reveals what she says to good friend Angelica Panganiban, particularly about moving on from the latter's breakup with John Lloyd Cruz: "Every time na naaalala niya yung past, lagi kong sinasabi sa kanya, 'Tara, saan tayo pupunta?' Tina-try ko na 'wag mag-dwell dun. Tina-try ko na ilagay siya dun sa mas mga positive na experience."


Nasa Nepal noon sina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban nang pumutok ang balita tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Si Angelica ang girlfriend ni John Lloyd bago pumasok si Ellen sa buhay ng Kapamilya actor.

Bago pa nito, marami ang umasa na muling magkakabalikan sina Angge at Lloydie, mga palayaw nina Angelica at John Lloyd, dahil ilang beses silang nakitang magkasama pagkatapos nilang maghiwalay.

Dagdag doon, pareho naman nilang inamin na nanatiling maganda ang kanilang pakikitungo sa isa't isa sa kabila ng kanilang breakup.

Pero dahil sa naglabasang reports tungkol kina Lloydie at Ellen ngayon, ano kaya ang naramdaman ni Angelica tungkol dito?

Si Glaiza ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Angelica.

Tinanong namin si Glaiza kung nag-o-open sa kanya si Angelica tungkol dito.

Pahayag ni Glaiza, "Well, ramdam ko naman na... yung bigat, pero happy siya ngayon, e.

"Oo, after ng trip namin, ang ganda nga, e.

“Kasi spiritual yung naging trip na yun, so ang dami na ring na-realize.

"Tapos, every time na naaalala niya yung past, lagi kong sinasabi sa kanya, 'Tara, saan tayo pupunta?'

"Tina-try ko na 'wag mag-dwell dun.

"Tina-try ko na ilagay siya dun sa mas mga positive na experience.

"Para 'wag masyado na..."

Ano ba ang sine-share sa kanya ng kaibigan?

Aniya, "Wala, tinigilan na niya na rin.

"Kumbaga, tinigilan na niya yung pag-e-emote.

"Parang wala na kasing sense na magalit o isipin pa niya yun.

"Kaya, focus na lang kami dun sa mga kanta namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa pocket presscon ng Kun(g)diman concert niya, na magaganap sa Music Museum sa October 27.

Ang concert na ito ay ang kanyang tribute sa mga musikero mula sa mga nakaraang henerasyon, pati na rin daw sa kanyang lolo na si Modesto Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO COMMENT. Sa tingin ba niya ay nasasaktan pa rin ang kanyang kaibigan o nakapag-move on na ito sa nakaraang relationship nito kay John Lloyd?

Ayon sa 29-year-old singer-actress, "Para sa akin kasi ayoko nang pag-usapan.

"Ayoko na ring pag-usapan, dahil para sa akin, hindi ko na yun business, di ba?

"Kung meron siyang gustong i-share, makikinig lang ako.

"Pero kung wala, e di focus ako sa mga adventure namin."

Sa ngayon, kahit na lantad na lantad na sa social media ang bali-balita tungkol sa madalas na pagbiyahe nina Lloydie at Ellen, wala pa rin naman silang inaamin.

Sa parte naman ni Angelica, pakiramdam daw ni Glaiza ay naka-move on na ito dahil inaasikaso nito ang sarili niyang buhay at kaligayahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN