Does Alessandra de Rossi deserve "reluctant star" tag?

IMAGE Noel Orsal

Alessandra de Rossi on "reluctant star" tag: "Alam niyo naman na sa lahat ng artista siguro, ako yung di showbiz. Aminado ako dun, at nakikita niyo naman siguro yun. Wala akong kaarti-artista in my body."


Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon ni Alessandra de Rossi, nananatili pa rin siyang totoo sa kanyang sarili, at hindi nagpapadala sa mga kaugaliang showbiz.

Matatandaang kailan lang ay naging matagumpay sa takilya ang pelikulang Kita Kita—kumita ng P320 million, kasalukuyan siyang highest-grossing Pinoy indie film of all time—na pinagbidahan niya at ni Empoy Marquez.

Bagamat malaki ang kinita ng pelikula at mas lalo pang naging maingay ang pangalan ng dalawang mahusay na aktor, balewala lang daw ang mga ito para kay Alex.

Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon—madaldal, prangka, grounded, at hindi feeling sikat.

Dahil dito, may mga tumatawag sa kanyang “reluctant star.”

Bakit nga kaya?

Paliwanag ni Alessandra, "Alam niyo naman na sa lahat ng artista siguro, ako yung di showbiz.

"Aminado ako dun, at nakikita niyo naman siguro yun.

"Wala akong kaarti-artista in my body.

"Hindi ko talaga feel yung mga ganyan, yung mga pinag-uusapan ako.

"Hindi ko type 'yan."

Halos lahat kasi ng mga artista, yun ang pangarap—ang sumikat at kumita ang mga pelikulang ginagawa.

Kabaliktaran nito ng pangarap ng award-winning actress.

Lahad niya, "Dream ko na maraming makakita ng pelikula, dahil dream ko na makuha nila ang mensahe ng pelikula.

"Maiuwi nila. Yung magamit nila yun sa buhay nila.

"Pero hanggang dun na lang yun.

"Huwag niyong isipin na kung sino si Lea sa Kita Kita, ako yun.

"Naku, ang layo ng pagkatao ko dun.

"Of course, pareho kaming magsalita.

“Of course, ako yun, ako ang gumanap, e.

"Bubbly kami pareho, funny kami.

“Pero, ang layo ng pinagdaanan namin sa buhay para maging iisang tao kami."

So, ayaw ba niya talagang mabansagang Box-Office Star?

Giit ng 33-year-old actress, "Ayoko! Ayoko!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa grand mediacon ng peliulang 12 ng Viva Films.

Ito ang pelikulang siya mismo ang sumulat ng kuwento, at kunsaan leading man niya ang baguhang aktor na si Ivan Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong pareho na niyang naranasan ang pagiging box-office star at award-winning actress, alin sa dalawa ang mas pipiliin niya, o masasabi niyang mas may kahulugan para sa kanya?

Matagal muna siyang nag-isip bago sumagot.

Pabiro niyang sagot, "Ang hirap sagutin, kasi parehong di ko naisip, e.

"Siguro yung acting award puwede kong bilhin, pero yung box-office award di ko kaya kasi mahal yun.

"Ang mahal ng box-office [award] ha? Paano ko ilalabas yung 200 million, ha?

"O, napapakiusapan [yung award]?

"Ang award kasi, kung totoo ba siya, nagkataon lang, in the moment.

“Masarap yung food habang nanonood ang mga jury, kaya nagandahan sila.

"Lima lang ang nagbibigay nun, lima lang yung jury, e."

NEW MOVIE. Pakiusap rin niya na huwag ikumpara ang pelikula niyang 12 sa Kita Kita.

Ani Alex, "Huwag iku-compare sa kahit anong magiging next movie ko sa Kita Kita, because yung 320 million na yun, hindi ever yun mangyayari.

"Kahit ibang artista, mamatay, mabubuhay, hindi yun mangyayari ulit.

"Hindi rin yun mangyayari sa akin ulit.

"Maaaring 3 million lang, o maaaring 430 million pala, pero yung 320 million, di na yun mauulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN