Karla Estrada, Gretchen Ho, other celebs slam Xander Ford for putdown of Kathryn Bernardo

IMAGE Instagram

Kathryn Bernardo (second from left) is defended by (L-R) Karla Estrada, Gretchen Ho, and Sofia Andres, after Xander Ford called her "sakang" in an old video made when he was still Marlou Arizala.


Ipinagtanggol ng ilang celebrities si Kathryn Bernardo matapos itong laitin ni Xander Ford sa isang viral video.

Kumalat ang video ni Xander nito lang Biyernes, October 13, bagamat luma na ito at ginawa ito noong si Xander ay si Marlou Arizala pa.


Stories We Are Tracking

Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying

Nag-post sa social media sina Karla Estrada, Gretchen Ho, Alyana Asistio, at Sophia Andres upang punahin ang panlalait kay Kathryn ng Internet sensation.

Tweet ni Karla, 42, nitong Sabado, na dapat daw ay matutong magsalita nang maganda sa kapwa, aminin ang pagkakamali, at humingi ng tawad.


Si Karla ang ina ni Daniel Padilla, ang ka-love team ni Kathryn sa showbiz at sinasabi ring boyfriend nito sa tunay na buhay.

Sunud-sunod din ang tweet ni Sophia Andres tungkol sa pagkadismaya raw niya sa ugali ng isang tao.

Hindi man niya pinangalan ang tao, tinukoy naman ng mga netizen na ang pinapatamaan ng 19-year-old Kapamilya actress ay si Xander.

Noong una, sinabi pa ni Sophia na mabait sa kanya si Xander, lalo na nang makasama niya ito sa ASAP Chill Out, ang online backstage program ng Kapamilya Sunday variety show na ASAP.

Ngunit tweet ng aktres, dapat daw ipabago sa doktor ang puso at isip ni Xander, na pasaring na rin sa pagsasailalim ni Xander sa plastic surgery kamakailan lang.

“[C]an they also do something with his heart and mind? maybe the doctors can change it also. attitude is still sharp,” sabi sa isang tweet ni Sophia.


Tahasan naman ang patama ng Kapamilya host na si Gretchen Ho kay Xander.

Pinaalalahanan pa ng 27-year-old Umagang Kay Ganda host si Xander na alam nito ang makaranas ng pambu-bully.

“Just because you’ve overcome your battles doesn’t mean you have a right to bash others. Remember when you yourself were there?”

Tahasan ding tinukoy ni Alyana Asistio si Xander sa kanyang tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paalala nito kay Xander, piliin nito kung sino ang hinuhusgahan at binabastos nito.

Si Alyana ay co-star ni Kathryn sa Kapamilya prime-time series na La Luna Sangre.


XANDER DENIES. Kaugnay ng isyu, una nang itinanggi ni Xander nitong Sabado na siya ang nasa video na tumawag nang "sakang" kay Kathryn.

Hindi kita ang mukha ng nagsasalita sa unang in-upload na video.

Pagkatapos itanggi ni Xander na siya iyon, humingi naman siya ng paumanhin sa mga fans ni Kathryn.

Ganito rin ang ginawa ng talent management ni Xander, ang Star Image Management Artist, via social media.

Subalit may mga netizens na ayaw paawat at nag-upload ng kabuuan ng video, na may tagal ng 13 minuto, kung saan makikita na ang mukha ni Xander.

Ang video ay kinunan bago sumailalim si Xander sa operasyon sa mukha, nang kilala pa siya bilang Marlou Arizala.

Mapapanood si Marlou at ang kanyang mga kaibigan na nagbi-video habang nakasakay sa bus.

Pagdating ng video sa 11:15 minutes, maririnig si Marlou na may ganitong pahayag: “Pino-promote ko pala yung palabas namin na La Luna Sangre. Gusto ko palang po sa inyo na ano... spoiler po talaga 'ko.

"Gusto po lang po sa inyong ibunyag na yung lobo pong ginagampanan ni Kathryn Bernardo, sakang po yon.

"Kaya po sa mga naniniwalang gustong maging No. 1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN