Jona Viray asks for prayers for father now in the ICU

IMAGE Instagram

Jona Viray posts Instagram appeal for prayers for her father, who is now in the intensive care unit after suffering a stroke and complications of fungal infection in the brain.


Humihiling si Jona Viray ng dasal para sa kanyang amang may malubhang karamdaman. 

Sa kanyang Instagram account nitong Sabado, October 14, ipinost ng Kapamilya singer ang kanyang larawan habang nasa ospital, na naka-face mask at hospital gown.

Ikinuwento ng 27-year-old singer na isang buwan nang nasa ospital ang ama dahil sa fungal infection sa ulo, at ngayon ay nasa intensive care unit, o ICU, dahil na-stroke naman ito.

“Hello everyone, I am asking for your prayer support for my father... More than a month na po kasi siya nakaadmit sa hospital dahil sa medication para sa fungal infection sa ulo niya at ngayon lang po na ICU siya due to stroke...” simula ng caption ni Jona.

Nabahala raw siya noong Biyernes, October 13, dahil madalas ay tulog ang ama at hirap sa pagsasalita at interaksiyon.

Nitong Sabado ay hindi na raw nagre-respond ang ama.

“Pero ngayon hindi po talaga siya nagrerepond... Pls pray for my father's quick recovery and for our family.. Maraming salamat po.

Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Jona, at ang kanyang ama ang nagtaguyod sa singer at mga kapatid nito.

Si Jona ang breadwinner ngayon sa kanilang pamilya.

Nito lamang June, inamin ni Jona sa panayam ng ABS-CBN late-night news program na Bandila na sumailalim sa isang operasyon ang ama.

“Meron pong na-develop na mass sa kaluob-luoban ng sinus niya. Na nasa border na ng brain. Thankful po kami na hindi po cancer. Binuksan po talaga ang ulo. Thankful po kami na naging successful ang operation,” pahayag ng singer.

Si Jona ay grand winner ng 2005 singing reality-based competition na Pinoy Pop Superstar sa GMA-7.

Nanatili siyang Kapuso hanggang lumipat siya sa Kapamilya channel noong 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN