Edu Manzano's manager hits male pageant's false publicity and advertising

IMAGE Noel Orsal

Edu Manzano will not be hosting the 1st Mr. Universe Tourism pageant scheduled for tonight, October 15, at the Palacio de Maynila, Roxas Blvd., Manila. According to Edu's manager, June Rufino, they were not contacted by the pageant's organizers, nor were they asked for permission to use Edu's name and photos on their ads and promo materials.


Nilinaw ni June Rufino, manager ni Edu Manzano, na walang katotohanang si Edu ang maghu-host ng 2017 Mr. Universe Tourism pageant na gaganapin na ngayong gabi sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard, Manila.

Si Rufino rin ang presidente ng Professional Artist Managers Inc. (PAMI), isang organisasyon ng mga talent managers, at veteran executive rin ng Viva Entertainment.

Itinanggi ni Rufino ang claim ng Kasama Inc., prodyuser ng event, na si Edu ang host ng male pageant, dahil wala naman daw nakipag-usap sa kanila tungkol rito.

Paglilinaw niya, “Mr. Edu Manzano is not part of this event, and has not been contracted to host this event tonight.”

Inireklamo rin ni Rufino ang paggamit ng pangalan at litrato ni Edu para sa publicity ng male pageant. Wala raw pahintulot ito mula sa aktor at sa kanyang manager.

Sa social media ad ng Mr. Universe Tourism, makikitang mali pa ang spelling ng apelyido ni Edu.


Ito ang kauna-unahang pagtatanghal ng Mr. Universe Tourism, at suportado ito ng Department of Tourism at ng Tourism Promotions Board na pinamumunuan ng aktor na si Cesar Montano.

Dalawampu't dalawang kalalakihan mula sa iba't ibang bansa ang official candidates ng Mr. Universe Tourism.

Si CJ Querol ang representative ng Pilipinas sa first Mr. Universe Tourism.

Nakilala siya nang mag-viral noong nakaraang taon ang kanyang mga litrato habang nagtatrabaho sa isang gasoline station.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN