Nadine Lustre's dad breaks silence on son's death

IMAGE Facebook (Ulysses Lustre)

Ulysses Lustre (left), Nadine Lustre's father, took to Facebook to share his thoughts about the loss of his 16-year old son Isaiah. He says he hopes his son's death will be a wake-up call for those suffering from depression, particularly the youth.


Nagsalita na si Ulysses Lustre, ama ni Nadine Lustre, tungkol sa pagkamatay ng kanyang anak na si Isaiah noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Ulysses ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang Facebook posts nitong nakaraang Sabado, October 13.

Ayon sa balita, October 7, Sabado ng gabi, nang makita si Isaiah, 16, na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa kanyang kuwarto sa bahay nila sa Quezon City.

Iniulat na nagpakamatay ang binata sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo.

Dinaan naman ni Nadine sa social media ang pagpapahayag ng damdamin sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid.

Ibinahagi na ng 23-anyos na Kapamilya actress ang mga artikulong isinulat ng kapatid sa blog nito ilang buwan na ang nakalilipas. 

Lumalabas sa mga artikulo na si Isaiah ay nakaranas ng pagkasawi sa pag-ibig at depression.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre reveals own battle with depression

A FATHER'S GRIEF. Unang nag-post si Ulysses nitong nakaraang Sabado ng hapon.

Dito ay inilahad niya kung gaano kahirap ang mamatayan ng anak.

Bilang ama, nanawagan si Ulysses sa mga kabataan “to please stop hurting yourself.”

Aniya, ang depression na nararanasan ng anak ay hindi maihahambing sa hirap na nararanasan ng magulang kapag nalamang nahihirapan ang anak.

“The lost of a father or a mother is painful, the lost of a son is unbearable,” simula ng post ng ama.

“The demons of depression is devouring our youth.

“I call out to all sons and daughters to please stop hurting yourselves. Your depression is incomparable to us parents when you do.

“Life is beautiful. Please bear that in mind.

“Happy Birthday Ice. We love you so much,” pagtatapos ni Ulysses, na ang tinutukoy ay si Isaiah na ang palayaw ay Ice.

Noong Biyernes, October 13, ang ika-17 kaarawan ni Isaiah.

Kalakip ng post ni Ulysses ay ang larawan ng semicolon, na naging simbolo ng pagsuporta sa mga taong nakakaranas ng depression, addiction, self-injury, at tangkang pagsu-suicide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsapit ng Sabado ng gabi, muling nag-post si Ulysses.

Dito, sinabi na niyang maging siya ay nakararanas ng depression hanggang ngayon, subalit nagkaroon siya ng lakas ng loob dahil sa mga artikulo ng anak.

Umaasa rin si Ulysses na, dahil sa karanasan ng anak, magkakaroon ng awareness ang publiko tungkol sa depression.

“You got me there Ice, so much lessons learned. Even I am not free from depression, thru your writings I'm now more bolder to face it head on.

“I am proud of you Ice. This tragedy will not end unnoticed.

“A battlecry for fighting depression will be shouted. And there will be awareness,” pagtatapos ng post ng ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN