Cynthia Thomalla is seen as the best showbiz bet among Miss World Philippines 2017 titlists

IMAGE Miss World Org / Cynthia Thomalla's Facebook

Miss Eco Philippines 2017 Cynthia Thomalla was a crowd favorite even before the Miss World Philippines coronation pageant was held on September 3. With her recent contract-signing with Regal Entertainment Inc., along with other members of the current Miss World Philippines 2017 court, kitbitzers are saying it is she that has a chance of shining in showbiz.


Sa lahat ng titleholders ng Miss World Philippines 2017 na pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment Inc., marami ang naniniwalang si Miss Eco Philippines Cynthia Thomalla ang malayo ang mararating sa showbiz.

Merong mga nagsasabing kamukha niya ang Hollywood actress na si Anne Hathaway; meron namang nagsasabing mas maganda pa ang Fil-German beauty.

Pumirma nitong nakaraang linggo ang mga titlists ng Miss World sa Regal bilang bahagi ng premyo nila ngayong taon.

Pero nang tanungin si Cynthia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mag-aartista siya, mukhang hindi pa buo ang desisyon ng 22-year-old beauty.

Lahad niya, “I don't know. Depende.”

Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, meron din pala siyang mga pinsang artista sa Germany, sina Sophia at Alexander Thomalla.

Kuwento niya, “Mga pinsan ko sila sa mother's side, pero hindi kami close. They live in Germany.”

Bago pa man naganap ang coronation night ng Miss World Philippines 2017 sa Mall of Asia Arena noong September 3, si Cynthia na ang pre-pageant favorite ng netizens at pageant fans.

Ganunpaman, si Laura Lehmann ang nag-uwi ng Miss World crown.

FULL SUPPORT FOR LAURA. May isyu diumanong gusto nga ng board of judges na ibigay kay Cynthia ang Miss World Philippines title, kahit si Lehmann ang nakakuha ng pinakamataas na score, pero ang desisyon daw ng chairman of the board ang umiral.

Sa isyung ito ay hindi nag-alangang magsalita si Cynthia, na nagsabing buo ang paniniwala niyang deserving si Lehmann na mag-represent ng bansa sa 67th Miss World pageant sa November 18 sa Sanya, China.

“I believe Laura deserves the title, and I also know that everyone has their own opinion, but I am happy with my title, with the crown that I have, and all I wanna do is support Laura,” pahayag ni Cynthia.

Ngayon ay pinaghahandaan na rin ni Cynthia ang sasalihan niyang Miss Eco International pageant na idaraos sa Egypt sa April 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ng PEP kung may posibilidad na sasali siya sa Bb. Pilipinas pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Eco Philippines, malinaw sa sagot ni Cynthia ang kanyang focus. 

“As of now, I want to focus on being Miss Eco Philippines and representing the Philippines in Egypt,” sabi nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN