Xander Ford: "Sorry sa lahat ng mga apektado sa video na lumabas, lalo na kay Ate Kath."

IMAGE iamxanderford Instagram

"Bigyan nyo naman po ako ng pagkakataon. madami pang Issue ang lalabas nuong marlou pa ako," says Xander Ford in his FB post, following a controversial video where he body-shames Kathryn Bernardo.


Naniniwala si Xander Ford na ang pagkaka-upload ng lumang videos niya, kung saan sinabihan niyang "sakang" si Kathryn Bernardo, ay isang paraan upang siraan siya ng mga ayaw sa kanya. 

Bago mag-weekend, lumabas ang isang video kung saan maririnig ang tila boses ni Xander na nagpo-promote ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre, ang pinagbibidahang action-fantaserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa video ay hindi makikita ang mukha ng nagsasalita.

Ngunit maririnig dito na sinabi ng nagsasalita, “Spoiler po talaga ako. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na yung lobo pong ginaganapan ni Kathryn Bernardo po, sakang po yun.”

Pagkatapos ay may maririnig na ibang boses na tila natawa sa sinabi ng kasama.

Patuloy ng naunang boses, “Kaya po sa mga naniniwalang gustong maging No. 1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa.

"Never pa akong nakakita ng sexy na sakang ang paa.”

XANDER FORD'S RADIO INTERVIEW. Noong Biyernes, October 13, nakausap ni DJ Chacha si Xander tungkol sa isyung ito sa kanyang programa sa MOR 101.9.

Sabi ni DJ Chacha kay Xander: “May lumalabas na video ngayon, hindi kita ang mukha mo, kung saan sinabi mo diumano...

"May diumano dapat kasi hindi namin sure kung siya talaga yun.

“Sinabi mo, diumano, na hindi magiging FHM Sexiest si Kathryn Bernardo dahil walang FHM Sexiest na sakang.

"Nasaktan din ako, sakang din ako, kaloka.

“Ano ba, ikaw ba talaga yun?”

Sagot ng 19-year-old social media personality: “Sa totoo lang po, DJ Chacha, hindi ko po talaga alam kung saan nanggaling po yung video. Na-bothered po ako kasi parang...”

Sa puntong ito ay naging emosyunal na si Xander.

Nang huminahon siya, sinabi ni Xander na hindi niya masasabi ang bagay na iyon tungkol sa 21-year-old Kapamilya actress dahil iniidolo niya ito at ang ka-love team nitong si Daniel.

“Sa totoo lang po, si Ate Kath po at si Kuya DJ, sila po yung inspirasyon ko kung bakit po gusto kong maging sikat tulad nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam po ni Ate Kath na iniidolo ko siya.

“Isa rin ako sa mga fan boy niya.

“Isa rin po kami sa naghahangad na sana mapansin din po niya kami.

"Kaya never ko po nasabi kay Ate Kath na, sasabihin ko po yung ganun.

"Kasi, hindi ko po alam yung background ni Ate Kath, kung ano po yung meron siya...”

Muling napaiyak si Xander, na nakakatanggap ngayon ng hate messages mula sa fans ng KathNiel.

Dahil dito, aniya, “Sa lahat po ng fan ng KathNiel po, hindi ko po intensiyon na ganunin po si Ate Kath, kasi love na love ko po talaga si Ate Kath.

“Alam po ni Ate Kath yun, naka-follow po ako sa lahat ng social media account nila.

“Nagpu-post po ako na sana pansinin ako ni Ate Kath, sana po pansinin ako ni Kuya Daniel Padilla.

“Pero hindi ko po kayang sabihin yung ganun po, kasi wala naman po akong karapatan na para magsalita ng ganun sa tao.”

Sa kanyang mensahe para kina Kathryn at Daniel, itinanggi ni Xander na siya ang maririnig na boses sa video.

Humingi rin siya ng paumanhin sa dalawang Kapamilya artists.

Sabi nito: “Ate Kath, Kuya Daniel, kung nanonood po kayo, kung iniisip niyo po na ako yung gumawa nun dahil kaparehas ko daw po ng boses, nagso-sorry na lang po ako sa taong gumawa nun.

“Para na lang po sa akin, para po sana mapatawad niyo po ako, kahit alam kong hindi po ako ang gumawa nun.

“Kasi, hindi ko po talaga kayang sabihin yun.

"Kung may sasabihin man ako sa kanila, siguro hindi lang po ako napapansin."

Pagpapatuloy ni Xander, “Pero po, love na love ko po talaga si Ate Kath at saka si Kuya Daniel.

“Alam po nila na super fan po nila ako.

"Hindi naman po ako nagmamalaki sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gustung-gusto ko po silang makasama."

May pakiusap din si Xander sa nag-upload ng naturang video, na sa tingin niya ay isang paninira lamang sa kanya.

Aniya, “Sa akin po, ayaw ko naman po ng away o gulo.

“Kasi, tahimik lang po talaga ako. Hindi ko naman po hinangad po na maging super-sikat po.

“Ayaw ko lang po sana na parang nahuhusgahan ako dahil sa maling balita o na-post lang, wala naman pong ebidensiya.

“Dahil po gusto nila akong sirain, gagawa na po sila ng ganung video.

“Siguro po, yung gumawa po ng video na yun, bawiin niyo na lang po.

"I-post niyo po na hindi naman talaga ako yun dahil, yung totoo, kaboses ko rin po yung kapatid ko."

FAKE OR REAL? Kasunod ng interview na ito ni Xander, ilang KathNiel fans ang naglabas ng video kung saan sinabihang "sakang" ng isang "kaboses ni Xander" si Kathryn.

Sa pagkakataong ito, makikita sa Facebook Live video ang mukha ni Xander, noong hindi pa siya nagpaparetoke at kilala pa siya bilang Marlou Arizala.

Kasama niya rito ang kanyang mga kaibigan habang nakasakay sa bus.

Bukod sa video na ito, may isa pang lumang video kung saan pinagkumpara ni Marlou sina Kathryn at Nadine Lustre.

Sabi ni Marlou sa video: “Natatawa kasi ako, maraming fan girl si... Maraming fan na nag-react kung bakit daw si Nadine yung nag-top one, hindi si Kathryn Bernardo, dyusko!

“Alam niyo, si Nadine, deserve niya na maging top one.

“Gusto n'yo si [Kathryn]? 'T*ng Ina, mayroon bang seksing sakang? Nakaganyan yung katawan?”

Si Nadine ang itinanghal na No. 1 Sexiest Pinay sa FHM ngayong 2017.

Ngunit sa pamamagitan ng Facebook post, nanindigan si Xander na hindi siya ang nasa video.

WILLING TO CHANGE. Sa mga sumunod niyang Facebook posts, wala pa ring anumang direktang pag-amin si Xander sa mga lumabas na bagong video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pag-amin niya, “Binigyan po ako ng disciplinary action ng managers ko, at willing po ako tanggapin ang anumang kaparusahan na naaayon sa 'kin.

“Willing din po ako magpa-interview para sagutin lahat-lahat ng binabato sa 'kin at nang buong katapatan.”

Sa isa pang post, hiniling ni Xander sa publiko na bigyan siya ng pagkakataong magbago.

Aniya, “Bigyan niyo naman po ako ng pagkakataon. madami pang Issue ang lalabas nuong marlou pa ako.

“Ipagpapasa dyos kuna lang kayo. Matatapos din ito.

“Sorry sa lahat ng mga apektado sa video na lumabas lalo na kay ate kath.

"madami pang pag subok ang lalabas. Laban lang. Salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN