Dennis Padilla warns daughter Julia Barretto's suitor Joshua Garcia: "Wag mo lang lolokohin."

IMAGE Magandang Buhay (Dennis) / Mark Atienza (Joshua and Julia)

Dennis Padilla says he approves of Joshua Garcia for daughter Julia Barretto, but reminds the young actor not to hurt his daughter. 


Boto si Dennis Padilla kay Joshua Garcia para sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Ito ang inamin ng 55-year-old comedian-director sa kanyang guest appearance sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Lunes, October 16.

Puring-puri rin ni Dennis si Joshua, 20, dahil daw sa pagiging mabait nito.

Sabi niya tungkol sa 20-anyos na matinee idol, “Mabuti namang bata tsaka marespeto.”

Mayroon lamang daw siyang bilin kay Joshua.

Ani Dennis, “Kinausap ko rin siya. Sabi ko sa kanya, ‘Wala namang problema ‘yan.

"'Kung mahal mo yung anak ko, tsaka mahal ka nung anak ko, okay yun.

"'Ang importante lang sa akin, huwag mo lang siyang sasaktan, tsaka wag mo lang lolokohin.

"'Kasi ako naman, comedian ako, e. Pero pag nangyari yun, magiging action star ako.'"

Nagustuhan din daw niya na hinarap siya ni Joshua.

Nagkita raw sina Dennis at Julia para ipagdiwang ang Father's Day, at isinama ng 20-year-old actress si Joshua upang makilala ang ama. 

Sabi ni Dennis, “Actually, boto ako kay Joshua, kasi ang isang tunay na lalaki, kayang humarap sa magulang ng kanyang minamahal.

“Kasi, ang isang lalaking ayaw humarap sa magulang ng kanyang minamahal, mag-isip ka na, nakakatakot yun, tago nang tago.” 

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dalawang linggo na ang nakalilipas, sinabi ni Dennis na hindi pa niya nakukumpirma kay Julia kung magkasintahan na sila ni Joshua.

Pero naniniwala raw siyang magkarelasyon na ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Dennis Padilla dishes real score between Julia and Joshua
Dennis Padilla dishes real score between Julia and Joshua
Dennis Padilla recalls first meeting with Joshua Garcia
Dennis Padilla recalls first meeting with Joshua Garcia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN