Veteran actor Chinggoy Alonso dies after colon-cancer battle

IMAGE Noel Orsal

Namayapa na ang beteranong aktor na si Chinggoy Alonso nitong Linggo ng gabi, October 15, pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.


Pumanaw na ang beterananong aktor na si Chinggoy Alonso. Siya ay 67 years old.

Ayon sa talent manager niyang si Shirley Kwan, binawian ng buhay si Chinggoy nitong Linggo, bandang 11:30 ng gabi, October 15, sa Chinese General Hospital, sa Manila.

Ito ay pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong araw, October 16,, inanunsiyo ng TV-movie director na si Mark Reyes ang pagyao ng magaling na aktor.

Mensahe ni Direk Mark: “Von Prin Devas to our original Evades of Encantadia 2006. Tito Chinggoy Alonso. He was one of my favorite actors to cast in my TV series and films. Rest well and take a bow!"


Sa social media, may ilan na ring nagpaabot ng pakikiramay sa mga naiwan ng beteranong aktor:

Ang isang anak ni Chinggoy, si Ralion Alonso, ay nag-showbiz din noon.

Unang pumalaot si Chinggoy sa teatro noong dekada ’60.

Ang una naman niyang pelikula ay ang Buhay Artista Ngayon noong 1979.

Dahil marahil sa mestizo siya, madalas gumanap si Chinggoy bilang mayamang lolo at ama o di kaya'y isang pulitiko.

Huli siyang napanood sa pelikulang Etiquette for Mistresses (2015).

Ang huli naman niyang programa sa telebisyon ay ang Hahamakin ang Lahat (2016) ng GMA-7 at Wildflower (2017) ng ABS-CBN.

Ilalagak ang mga labi ni Chinggoy Alonso sa Garden of the Divine Word, sa Christ the King, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN