John Lloyd Cruz spotted kissing Ellen Adarna in Paris

IMAGE Instagram @jillvillamarzo via @bearald_rock

John Lloyd Cruz (in black shades) is spotted giving rumored girlfriend Ellen Adarna a sweet kiss on the sidelines of Rex Atienza and Jay Sarmiento's wedding reception in Paris, France.


Hindi man nila inaamin ang estado ng kanilang relasyon, tila patuloy ang namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nina John Lloyd Cruz, 34, at Ellen Adarna, 29.

Patunay nito ang kumalat na Instagram video kung saan makikitang masuyong hinagkan at niyakap ni John Lloyd si Ellen, habang abala ang sexy star sa pagtingin sa menu.

Kuha ang video sa dinaluhan nilang wedding reception ng kaibigan at longtime stylist ni John Lloyd na si Rex Atienza.

Isa sa mga guest ng wedding ang nag-upload ng video sa pamamagitan ng Instagram story, na automatic na nadi-delete pagkalipas ng 24 oras.

Lovers In Paris! ?????????????? #JohnLloydCruz #EllenAdarna #BeaAlonzo ctto jillvillamarzo igs

A post shared by BeaRald Canada ???????? (@bearald_rock) on

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Rex at Jay Sarmiento sa Paris, France, noong Biyernes, Oktubre 13.

Bago ito ay dumalo rin sina John Lloyd at Ellen sa welcome party nina Rex at Jay sa Lido de Paris, isang French-style cabaret na matatagpuan sa Avenues des Champs-Élysées, isang pamosong lugar ng luxury boutiques, cafes, at teatro sa Paris.

Narito ang kuha ng rumored couple kasama ang stylist to the stars na si Rex.

#thePAREsianvows . #ellenadarna #johnlloydcruz #jlcellen #ellen #johnlloyd #johnlloydellen #baby #inlove

A post shared by Baby Love ????? (@jlc_ellen) on

Kapansin-pansin din ang pag-post nina John Lloyd at Ellen ng sweet photos nila habang nagbabakasyon doon.

Ngunit at press time, ang larawang nasa baba ay deleted na sa Instagram account ni John Lloyd.


Sa ngayon, mahigit isang linggo nang namamalagi sa Europe sina John Lloyd at Ellen.

October 5 nang inanunsiyo ng Star Magic, ang talent management na humahawak sa showbiz career ni John Lloyd, na nagdesisyon ang aktor na magkaroon ng "indefinite leave of absence" mula sa work engagements nito.


Stories We Are Tracking

John Lloyd, Bea spotted in Paris wedding of stylists
John Lloyd, Bea spotted in Paris wedding of stylists
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her "bloggerjowa"
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN