Cholo Barretto willing to wait for girlfriend Ryza Cenon to settle down

IMAGE John Fontanilla

Cholo Barretto says he is prepared to marry Ryza Cenon but is willing to wait until she's ready: "Ayoko kasi pangunahan lahat. I'm here to support her, not to decide for her."


Sobrang masaya raw si Cholo Barretto sa love life niya ngayon.

"Masaya, masaya! Alam naman yata lahat ng tao yun, e,” sambit ng 31-year-old actor.

Handa na raw siyang pakasalan ang girlfriend na si Ryza Cenon, 29, pero wala pa sila talagang plano.

Ani Cholo, “Hindi ko alam kung ready na siya, ayoko kasi pangunahan lahat.

“Ngayon niya nakukuha yung magandang break na inasam-asam, sobra-sobrang tagal na.

“Ayoko namang maging hadlang dun…

"Katulad itong sa Ika-6 Na Utos is doing really well.

“And ang balita ko, hanggang next year pa sila, so parang magdadalawang taon na sila.

“Tapos pumirma pa siya sa Viva ng mga pelikula, meron siyang ginagawa ngayon with JC Santos.

"So, ayoko maging hadlang. Baka pag gumalaw ako, sa akin masisi lahat."

Ang Ika-6 Na Utos ang longtime afternoon drama series ng GMA Network, kung saan bida sina Ryza, Sunshine Dizon, at Gabby Concepcion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) si Cholo sa 4th anniversary ng Dr's. Drip Lounge and Infusion Bar noong nakaraang linggo.

NOT TRUE. Pinabulaanan din ni Cholo ang usap-usapang siya ang dahilan kaya umalis ng GMA Artist Center at nag-sign up sa Viva Artists Agency si Ryza.

Ayon sa pamangkin nina Gretchen at Claudine Barretto, "Yun ang medyo misconception ng marami—pero ang totoo, hinanap siya ng Viva."

Under contract sa Viva si Cholo, pero hindi raw alam ng mga boss ng film outfit, ang mag-amang Vic at Vincent del Rosario, na girlfriend niya ang Kapuso actress.

Kuwento pa ni Cholo, "Napanood nila yung Manananggal sa Unit 23-B, tapos pinahanap ni Vincent si Ryza. 

"Nagulat ako, kasi tinawagan ako ng mga kasama ko sa Viva na hinahanap nga si Ryza.

"Pero wala naman akong say, e, kasi at the end of the day, it's her call, it's her career.

“I’m here to support her, not to decide for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko ugali magdesisyon para sa ibang tao o magbigay ng unsolicited advice, kasi pangit yun."

HER DECISION. Ayaw na raw tumanggap ni Ryza ng daring role sa mga proyektong gagawin nito. Si Cholo ba ang dahilan?

Pag-amin ng binata, “Siguro, kasi yung huling naging daring siya, ako na yung nakasama niya.

“Dun sa Manananggal sa Unit 23-B, baka sulit na siya doon at hindi na niya gusto mag-daring.

“Lahat naman yun, daya lang. Like, yung ginawa namin, daya yun, e, trabaho yun. 

"Pero ang amin, totoo! Hahaha!

"Pero kidding aside, I have nothing against kung ano man ang piliin niya—magpa-daring ulit or not."

Kuwento pa ni Cholo, "Nakuwento niya sa akin dati na may mga offers na dumadating sa kanya na magpaka-daring ulit sa mga magazines, pelikula. 

"Pero sabi niya, gusto na niyang lumihis sa character na yun, hindi na daw siya bumabata.

“Medyo nagma-mature na rin siya pagdating sa mga roles sa telebisyon.

"Ayaw niya ma-confuse yung mga katrabaho niya, yung mga fans niya.

"Ako, okey ako if maganda yung proyekto.

"Katulad ng sinabi ko, hindi ko desisyon yun. Siya pa rin naman ang magde-decide.

"Magaling naman siya mamili ng role at ng boyfriend," pagbibirong pahayag ni Cholo.

May setup ba sila bago tanggapin ang isang proyekto na dapat nagpapaalam sa isa't isa?

Tugon ni Cholo, “Wala naman kaming usapan na ganun, pero automatic sa side ko at sa side niya na nagiging ganun na rin.

“Kasi nagkakakuwentuhan kami, pareho kaming open sa mga suggestions.

“Bilang siya babae, hinihingi ko yung opinion niya sa mga proyektong ginagawa ko. 

"Minsan, kami-kami rin ang nagbabatuhan ng linya, kinakabisado namin yung mga proyektong ginagawa namin.

"Pero umaabot din sa puntong automatic na ganun, hindi kailangang maging setup pa, parang update lang.”

HIS CAREER. Kasama si Cholo sa pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Last Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pa siyang pelikula, ang Isang Daang Habang Buhay.

Ito raw ang dating Ang Pambansang Third Wheel starring Yassi Pressman, Sam Pinto, Alonzo Muhlach, Kim Molina, at Sam Milby.

Dahil nakapirma si Cholo sa Viva, priority pa rin niya ang pelikula, pero bukas daw siya sa telebisyon.

May inaasahan nga raw siyang TV project na sana ay matuloy.

Saad ni Cholo, “Alam mo naman dito sa industriya natin, hangga't hindi nagro-roll at hindi nagla-lights, camera, action at kasama ka dun, huwag ka mage-expect.

"Or sometimes nakapag-shoot ka na, mapapalitan ka pa.

"So, hangga't di umeere, walang assurance. Huwag tayo umasa kasi masakit, e.

"Pero sana matuloy kasi miss ko na rin umarte sa teleserye."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN