ABS-CBN talents slam Xander Ford for name-calling Kathryn Bernardo

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Diego Loyzaga (left) and Jerome Ponce (right) took to social media to lambast Xander Ford (center) for name-calling Kathryn Bernardo.


Patuloy ang pagbuhos ng suporta para kay Kathryn Bernardo, mula sa fans at kapwa-artista, kaugnay ng pagtawag ni Xander Ford na “sakang” ang Kapamilya actress.

Sa pamamagitan ng social media, tila kinuyog si Xander ng Kapamilya stars na sina Diego Loyzaga, Jerome Ponce, Julian Estrada, Pamu Pomarada, Dawn Chang, at Karen Reyes.

May paalala rin ang ilan sa kanila kay Xander, na unang nakilala bilang Marlou Arizala.

DIEGO LOYZAGA. Sabi ni Diego Loyzaga, anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, dapat magparetoke muli si Marlou upang hindi mamukhaan ng KathNiel fans.

KathNiel ang tawag sa tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla. 

Pero sa sumunod niyang tweet, humingi ng paumanhin si Diego kung nadala siya ng kanyang damdamin.

JEROME PONCE. Pinayuhan naman ni Jerome Ponce si Xander na humingi ng sorry, kahit maliit daw ang tsansang patawarin siya sa kanyang ginawa.

Nag-tweet din siyang may pagtukoy sa ongoing primetime teleserye na kinabibilangan niya, ang The Good Son.

Tinawag ni Jerome si Xander na "The Lonely Son." 

KAREN REYES. Tweet naman ni Karen Reyes, former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, hindi dapat gamitin ni Xander ang “Xander” dahil hindi raw bagay ang magandang pangalan sa pag-uugali nito.

Tinawag pa niyang “best actor” si Xander dahil sa patuloy nitong pagtangging siya ang nasa video na tumawag kay Kathryn ng "sakang."

PAMU PAMORADA. Pinayuhan naman ni Pamu Pamorada na baguhin ni Xander ang kanyang ugali.

Ayon sa 25-anyos ex-PBB: Unlimited housemate, ipinagtatanggol pa niya noon si Xander dahil pakiramdam niya ay misunderstood ito, subalit may mga patunay na sa akusasyon laban sa kanya.

Sa kabilang banda, nakiusap naman si Pamu sa mga netizens na itigil ang pambu-bully.

Gayahin daw ang magandang halimbawa nina Kathryn at Daniel na tahimik lang sa isyu. 

JULIAN ESTRADA. Tweet naman ng dating Star Magic talent na si Julian Estrada:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAWN CHANG. May halong biro naman ang tweet ng isa pang PBB ex-housemate na si Dawn Chang.

Hinamon niya si Xander na i-bash ang dalawang kinatatakutang characters sa Wildflower: sina Lily Cruz (Maja Salvador) at Red Dragon (Christian Vasquez).

Kasama rin si Dawn sa cast ng afternoon teleserye ng ABS-CBN.

Nauna nang naghayag ng kanilang suporta kay Kathryn sina Gretchen Ho, Sofia Andres, Alyana Asistio, at ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.


Stories We Are Tracking

Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown

XANDER ISSUES APOLOGY. Sa gitna ng isyung ito, humingi na ng paumanhin si Xander kay Kathryn, pati na rin kay Daniel.

Bagamat hindi pa niya direktang inaamin na pinagsalitaan niya ng masama si Kathryn.


Stories We Are Tracking

Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN