Akihiro Blanco happy for ex-TV5 stars making waves in ABS-CBN and GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Kahit wala na siya sa TV5, masaya raw si Akihiro Blanco sa itinatakbo ng kanyang karera. Sa ngayon, katatapos lang niya gumawa ng apat na pelikula, kabilang na ang This Time I'll Be Sweeter ng Regal Entertainment, Inc.


Kabilang si Akihiro Blanco sa homegrown talents ng TV5 na napapanood na ngayon sa ABS-CBN.

Bukod sa kanya, nasa Kapamilya network na rin sina Vin Abrenica, Ritz Azul, Mark Neumann, at Morissette Amon.

Sa kabilang banda, kakapirma lang ni Sophie Albert ng exclusive contract sa GMA Network nitong nakaraang linggo.

Sina Akihiro, Mark, Vin, at Sophie ay produkto ng artista search ng TV5 na Artista Academy; habang sina Ritz at Morissette ay sumali sa Star Factor.

Dahil sa pagka-dissolve ng entertainment department ng TV5, nawalan ng oportunidad ang homegrown talents ng istasyon.

Ngunit gumawa sila ng paraan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aartista sa pamamagitan ng paglipat sa ibang networks.

Kumusta na si Akihiro ngayon?

Tugon niya, “Okay naman po. 

"Ako naman po, pag-alis ko sa TV5, wala naman po naano, e... talagang nagpaalam ako.

"Yun yung time kung saan kami nakilala rin sa TV5, so thankful din ako na naka-work ako dun.

“Pag-alis ko dun, good naman lahat [nangyari], e. Tsaka siyempre naging sports channel na siya.

"Sa ngayon po, kailangan na talaga namin na umiba ng work ngayon."

Natutuwa naman daw si Akihiro para sa kapwa niya TV5 talents na nakahanap ng bagong tahanan sa ibang istasyon.

Saad niya, “Natutuwa ako na meron na silang mga trabaho kahit hiwa-hiwalay na kami.

“So, kahit na dati magkakasama kami... hanggang ngayon naman, kapag nagkikita-kita kami, nag-uusap pa rin naman kami, wala namang ipinagbago.”

HAPPY FOR EULA. Ang isa pa nilang kasama noon sa TV5 at Star Factor winner na si Eula Caballero ay pinili namang manirahan na sa Amerika,

Kamakailan nga lamang ay ikinasal ito sa batchmate niya sa Star Factor na si Christian Samson.


Stories We Are Tracking

Eula Caballero and Christian Samson tie the knot
Eula Caballero and Christian Samson tie the knot

Maraming pinagsamahang mga proyekto noon sa TV5 sina Akihiro at Eula.

Masaya raw si Akihiro para sa matalik na kaibigan.

“Oo, gusto ko mag-congrats kay Eula tsaka kay Tiano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matalik kong kaibigan si Eula, nun palang sa TV5.

“Isa siya sa mga nakakuwentuhan ko na babae, na kaibigan.

“So, ayun, masaya ako.

"Kasi dati, nagkukuwento na siya tungkol sa love story nilang dalawa, at ngayon ay kasal na silang dalawa, so I’m happy for them."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Akihiro sa grand presscon ng This Time I’ll Be Sweeter, sa Valencia Events Place, sa New Manila, Quezon City, nitong Lunes, October 16.

REGAL BABY. Isa nang Regal baby si Akihiro.

Kabilang siya sa cast ng This Time I’ll Be Sweeter, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Ken Chan.

Paano siya napabilang sa contract stars ng film company ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde?

Kuwento ni Akihiro, “After ko sa TV5, nag-meeting kami dito, with Ma'am Roselle, kasama parents ko tsaka si Mother Lily.

“Siyempre yung contract, e, talagang nakita ko na maganda naman.

"And yung movies naman nila dito, pag pinanood namin dati, talagang maganda.

“So, pumayag ako na mag-sign ako sa Regal.

"So, ngayon, Regal Baby na po ako."


The cast of This Time I'll Be Sweeter: (from left to right) Khahi Ramirez, Hiro Peralta, Kim Rodriguez, Regal Matriarch Lily Monteverde, director Joel Lamangan, Ken Chan, Jai Agpangan, Akihiro Blanco, and Fiona Yang.

Siya raw ang third party sa tambalan nina Barbie at Ken.

Lahad ni Akihiro, “Ang role ko po dito, ako po si Andrei.

"Si Andrei po yung best friend ni Barbie, tapos ni Jai.

“Kaming tatlo yung magbi-best friend.

"Ako yung may itinatagong lihim, kasi crush ko siya, e. Crush ko si Barbie dun sa istorya na ito.

“Pero gusto ko na mapanood [ng mga tao] kasi feeling ko marami makaka-relate.

"Kasi ako yung tao na, ewan ko, parang torpe na hindi ko masabi na gusto ko siya, hindi ko maamin sa kanya kung ano yung feelings ko. So, parang it’s too late na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dun iikot ang kuwento namin. Kumbaga, parang friendzone lang.”

Ang This Time I’ll Be Sweeter ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at ipalalabas sa mga sinehan simula sa November 8.

Maliban dito ay may ginagawa ring tatlong indie movies si Akihiro: Immaculada, Sikreto Sa Dilim, at Tuwa, Luha at Saya.

Dahil sa pagiging abala niya sa paggawa ng pelikula kaya hindi na siya nagtuloy sa ABS-CBN primetime series na The Good Son.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN