JM de Guzman now on his second year of sobriety

IMAGE Instagram photo of JM de Guzman

JM de Guzman posted a certificate proving that he has been sober for more than a year. He wrote on the caption: "2 years this december 2017"


Bumuhos ang positibong mensahe para kay JM de Guzman matapos nitong mag-post ng isang certificate na nagpapatunay ng pagsunod niya sa substance-free lifestyle.

Sa kanyang Instagram kahapon, October 15, nag-post ang 29-year-old actor ng larawan ng kanyang First Sober Year Achievement Award mula sa Self Enhancement for Life Foundation, Inc.

Ang certificate na ito ay nakuha niya noong December 2016.

Sa caption ay proud na sinabi ni JM na malapit na ang ikalawang taon ng pagiging sober niya.

2 years this december 2017????

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Marami ang natuwa sa post na ito ni JM, kabilang na ang kapareha niya sa hit movie na That Thing Called Tadhana na si Angelica Panganiban.

Sabi ng Kapamilya actress, “Nakaka-miss ka anthony.”

Anthony Lagdameo ang pangalan ng ginampanang karakter ni JM sa pelikula, samantalang Mace Castillo naman ang kay Angelica.


Masayang pagbati rin ang ipinaabot ng aktor na si Tom Rodriguez at ABS-CBN writer na si Darla Sauler kay JM, na dating nalulong sa masamang bisyo.



SEQUEL? Samantala, maraming fans ng That Thing Called Tadhana ang natuwa sa comment ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone, kung saan naka-tag pa si Angelica.


Naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang posibleng sequel ng tinaguriang “hugot movie” noong 2014.

Ito ay dahil sa maiksing video na ipinost sa Facebook ng Benjamin Tolentino, editor ng pelikulang pinagbidahan nina JM at Angelica.

Mapapanood dito ang pagtsa-chat nina Anthony at Mace, na maaaring maging hudyat ng sequel ng That Thing Called Tadhana.

Sabi pa ng film editor, “Tonet, kelan na natin 'to gagawin?”

Noong nakaraang taon, nagbalik sa pag-arte si JM sa pamamagitan ng private viewing ng Broadway musical "Sweeney Todd."

I hope you like it ?? #notwhileimaround #sweeneytodd #pwedengmagahit

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN