Barbie Forteza admires Nadine Lustre's strength amid brother's death

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza hopes people suffering from depression won't resort to suicide to end their suffering. The This Time I'll Be Sweeter star says, "Kung nalulungkot kayo, get help. Get professional help kung kinakailangan. Huwag niyong tapusin agad yung buhay ninyo."


Apektado rin si Barbie Forteza sa lumalalang problema ng teenage suicide cases dulot ng depression. 

Nagbigay ng kanyang komento at reaksiyon ang 20-year-old Kapuso actress tungkol dito.

Panimula niya, “Nakakalungkot, kasi parang nung nagsimula na napag-usapan 'yang tungkol sa depression, parang mas marami pang lumakas ang loob na mag-commit ng suicide.

“Parang naging negative yung resulta ng pag-uplift nung topic na yun.

"Kasi, parang lalo lumakas pa yung loob nung iba na maging depressed.

“Sana hindi nila ganun makita yung advocacy na yun.

"Sana hindi nila ganun maintindihan ang depression. Sana ibangon nila ang mga sarili nila."

Patuloy pa ni Barbie, sana raw ay huwag humantong sa pagsu-suicide ang mga dumaranas ng depression.

“Hindi naman yun ang only way para makaalis sila sa depression.

“Hindi naman death agad, hindi naman suicide.

"Marami namang iba. Nandiyan ang pamilya, nandiyan ang kaibigan.

"Ang sarili mo, mag-explore ka, mag-soul search ka, kung anong kailangan mo."

ADMIRATION FOR NADINE. Kaugnay ng usaping ito ay humahanga raw si Barbie sa Kapamilya actress na si Nadine Lustre, 23, na kamakailan lamang ay nawalan ng nakababatang kapatid dahil diumano sa suicide.

Ayon kay Barbie, “Bilib ako kay Nadine kasi, despite of what happened, malakas pa rin siya.

"Sobrang sensitive man ng issues sa kanya ngayon, professional pa rin siya sa trabaho niya at hindi niya masyadong hinahayaang manghimasok yung mga tao sa personal matter ng buhay niya, na mahirap yun for a celebrity.”

Naniniwala si Barbie na hindi dapat takasan ang depression sa pamamagitan ng suicide.

Payo niya, “Malayo pa kasi yung lalakbayin natin, malayo pa yung biyahe natin, hindi natin kailangang tapusin agad.

“Kung nalulungkot kayo, get help. Get professional help kung kinakailangan.

"Huwag niyong tapusin agad yung buhay ninyo.

“Kung kinakailangan magpasama kayo sa pamilya niyo—feeling ko naman, they’re more willing to do that—and your friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman kayo nag-iisa, maraming nagmamahal sa inyo, Diyos ko!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa presscon ng lalabas nilang pelikula ni Ken Chan, ang This Time I’ll Be Sweeter.

Ang pelikula ay idinirehe ni Joel Lamangan sa ilalim ng Regal Multimedia Inc. 

Ginanap ang presscon kahapon ng tanghali, Lunes, October 16, sa Regal Events Place.

NOT EVEN HER LOVE LIFE. Marami raw sa mga tiga-showbiz ang madaling malunod sa depression dahil sa mga pagkakataong napagdadamutan sila ng privacy, ng normal na buhay, biglang paglamlam ng popularity, at unti-unting nawawalan ng trabaho.

Sabi naman ni Barbie, never siyang nakaramdam ng depression.

“Hindi. Hindi pa, masaya akong tao talaga,” nangingiti niyang sabi.

“Masaktan man ako, panandalian lang. Hindi para dibdibin ko nang sobra.”

May mga pagkakataong napapaisip lang daw si Barbie sa buhay na pinagdadaanan niya bilang isang celebrity.

Aniya pa, “Minsan napapaisip lang ako na nami-miss ko rin ang normal na buhay, na makakapunta ako sa ganitong lugar kung kailan ko gusto. 

“Puwede kong isama yung taong gusto ko na walang mangingialam, siguro ganun lang.

“Malaki ang factor ng family kasi sila naman ang source of strength ko, happiness and inspiration.”

Diretsahang sinabi ni Barbie na kahit ang isyu sa pag-ibig ay hindi magiging daan para ma-depress siya, lalo’t tutol ang parents niya sa lalaking gusto o mahal niya.

“Nangyari na yun,” mabilis na reaksiyon ni Barbie.

“May rason naman ako, may rason naman yung family ko.

"I ended it. Pero hindi ako nagalit sa family ko.

“Kasi sila naman, ever since nag-start yung relationship, supportive sila kahit alam ko na sa sarili ko, ayaw nila doon sa guy.

“Pero sinuportahan pa rin nila ako.

"Pero sinabihan nila ako na tama na... umokey na ako.”

Hindi na nagbigay ng detalye si Barbie kung si Kiko Estrada ba ang tinutukoy niya dahil tumanggi nang magsalita pa ang aktres tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero masaya raw siyang tanggap ng kanyang pamilya ang boyfriend niya ngayong si Jak Roberto.

“Opo,” pagkumpirma ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN